Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Nobyembre, 2015

Bigas Bigas Paano Ka Ginawa

Tayong mga Pilipino hindi tayo mabubuhay kung walang kanin sa ating lamesa, aminin nyo yan! Kesehodang walang tubig o ulam basta't may kanin naku solb na solb na tayo.. as in talo-talo na #taobkaldero #ubostutong. Kahit kanin na may toyo lang o asin.. PAK na PAK na! pag sinamahan mo pa ng hawot (tuyo) at kamatis... spell HEAVEN. hahaha... ang sarap eh! lalo na yung kanin na sinabawan ng mantika ng baboy pag fiesta!!! ika-pitong gloria ang sarap. hahaha!!! (kumusta naman ang FATNESS!!! hahaha!! #putokbatok sa high blood).   Marami sa atin na hindi na naranasan ang hirap kung paano nagkakaroon ng masarap na kanin sa kanilang lamesa. Ngayon kasi punta lang sa grocery o palengke tapos bibili na lang ng bigas. Ganun na lang... walang effort kung paano ito inaani.  Pero alam nyo ba noong bata pa kami bago ka makakain ng kanin eh talaga namang... hello #slavery, #childlabor ang labanan... hahahaha... Hindi mo pwedeng sabihing bata ka at hindi ka sasama sa bukid or else makakatikim ka ng #