Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Mayo, 2016

OKA TOKAT

Naniniwala ba kayo sa mga nakakatakot na mga nilalang? (nilalang talaga! LOL!) Sa panahon ngayon parang hindi na ata uso ang mga nakakatakot tulad ng Tikbalang, Aswang, white lady, etc. Ang uso na ngayon COC, Dota, FB etc. Pero noong bata pa kami talagang super takot ako pag may mga ganitong usapan. Ewan ko ba pero automatic sa aming magpipinsan na pagkatapos ng hapunan lahat kami pumupunta sa bahay nina Mamay Indo at Nanay Osay at doon lahat kami mag-sasama-sama. Lahat ng tsimis at lahat ng kwento doon mo malalaman. At isa sa pinaka-paboritong usapan noon ay ang tungkol sa mga nakakatakot na pangyayari sa aming lugar. Dahil laging kong nadidinig ito sa mga usapan ng mga matatanda sa amin kaya iniiwasan kong abutin ng gabi sa mga lugar na ito.   1.) Puno ng Duhat sa sulok ng school - Napaka-misteryoso ng punong duhat na ito kasi sabi nila noong panahon ng mga Hapon dito inilagay ang mga bangkay ng mga namatay. Balot lagi ng mga bagin (vines) ang puno ng duhat sa sulok na school at sabi