Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Pebrero, 2015

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Magandang gabi po sa inyong lahat. Sa mga hindi po nakakakilala sa akin, ako po yung bunsong anak ng tatay na lalaki na nakatira sa Singapore. Sa totoo lamang po, mahirap magsalita sa harapan sa mga oras na ito, siguro marahil ganun po talaga pagdumating ang panahon na naiwan tayo ng mga taong mahalaga sa atin. Nawawalan tayo ng mga sasabihin. Pero ganun pa man, pipilitin kong magbigay ng huling salita para sa tatay mula sa amin ng mga inay, ate vangie, ate ellen, ate pilar at ate irene… kasama ang aming mga asawa at mga anak na maiiwan ng tatay. Dahil mahilig akong gumawa ng mga kwentong buhay sa facebook… siguro magandang gumawa din ako ng kwento para sa tatay. Bibigyan ko ito ng pamagat na: Si Pareng Talino sa mga mata ni Erniebol. Kapag niloloko ko ang tatay at ang inay tawag ko sa kanila ay Pareng Talino at Kumareng Esing at dahil kinalakhan ko din na tawag sa akin ng mga tao dito ay ERNIE kya Ernibol na sabi ng nanay ay Ernibol Pito ang bulbol. hahaha! Title: Si Pareng T