Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Setyembre, 2019

Tiwala at Pag-asa

Ika-tatlo ng Agosto, araw ng Sabado ng lisanin ko ang bansang Singapore na naging tahanan ko sa loob ng higit labing apat na taon. Hindi ko malilimutan ang araw na iyon, kasama ang mga malalapit na mga taong naging bahagi ng aking paglalakbay kahit sa huling sandali ay hindi nila ako iniwan. Lungkot at takot ang bumabalot sa akin ng mga oras na iyon. Lungkot dahil iiwan ko ang madaming taong naging malaking bahagi ng aking buhay at higit sa lahat ang aking pamilya. Hindi ko maiwasang pumatak ang mainit luha mula sa aking mga mata pababa sa aking pisngi. Pero kailangan kong magpakatatag. Ito ang laban na hindi kailangang sumuko. Takot ako noong mga panahon na iyon dahil makiki pagsapalaran ako sa bansang hindi pa nakakatuntong ang aking mga paa at hindi ko alam kung ano ang naghihitan. Pero mabait ang Diyos dahil may mga kaibigan akong naghihintay sa aking pagdating.  Umaga ng ika-apat ng Agosto ako dumating sa New Zealand. Maulan at malamig ang klima. Ibang-iba sa Singapore na la

Silid Tulugan

Magisa lang ako sa bahay ngayon.  Habang ako ay nakahiga sa kama at pinagmamasdan ang apat na sulok ng kuwarto kung saan ako namamalagi ngayon, biglang bumalik ang aking ala-ala noong aking kabataan. Malilimutan ko ba ang hitsura ng aming higaan noong ako'y musmos pa lamang? Kahit baligtarin ko man ang mundong aking ginagalawan, hinding-hindi ko malilimutan ang panahong nakahiga ako sa aming mumunting bahay. Samahan ninyo akong silipin ang silid ng aking kamusmusan. Pagpasok mo sa loob ng aming tahanan, ang una mong mapapansin ay ang sahig na lupa at may konting semento na tumigas dahil sa pinaghaluan ng semento para sa dingding. Sa tuwing tag-araw, ang sahig namin ang aming laruan. Nakaupo sa alikabok na wala kaming pakialam na kahit gaano pa ito kadumi. Sa pagsapit ng tag-ulan ay putik naman ang naghihitay.  Dalawa hanggang tatlong hakbang at mahahawakan mo na ang hagdan paakyat ng bahay. Hindi ko ito malilumutan dahil sa hagdan na ito marami mga bagay ang nangyar