Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Mayo, 2021

No Title

 Dumarating tayo sa punto ng ating buhay na minsan hindi natin alam kung saan tayo patungo. Marami tayong mga tanong na kadalasan walang kasagutan. Marami tayong mga dasal na kadalasan ay tila bingi ang langit at tila hindi nadirinig ang bawat usal na ating panalangin. Panahong gusto mong ngumiti pero luha'y patuloy ang patulo sa iyong mga mata. Panahong nangangarap ka na may kausap pero tila lahat ay abala at walang panahon sa'yo. Panahong yung mga taong iyong pinakatiwalaan ay sila pa ang yuyurak sa iyong pagkatao at dangal at sisira ng iyong tiwala.  Kaibigan, hindi sa lahat ng panahon ay laging sumisikat ang araw. Dumarating ang araw na ito ay lulubog at muling magkukubli at babalutin ng dilim ng gabi. Ngunit hindi nangangahulugang ang dilim ng gabi ang katapusan ng lahat, bagkus ito ay nagpapaalala sa atin na sa bawat dilim o pagsubok sa buhay ay muling darating ang panibagong araw; ng panibagong pag-asa. Alam ko sa panahon ngayon marami tayong agam-agam sa buhay, maraming