Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Mayo, 2006

IBAYO

“Batangas!!! Batangas!!!” ang sigaw ng kundoktor sa ilalim ng fly-over ng Kamias. Tila, nageenganyo sa mga naglalakad na mga tao sa tapat ng terminal ng bus. May mangilan-ilang sumasakay samantalang ang iba ay tila walang pakialam at parang walang naririnig na tawag ng kundoktor. “Daan po ba ng Tanauan?” ang malugod kong tanong sa kundoktor. “Kahit saang sulok ng Batangas padaanin natin sumakay ka laang!” ang sagot ng kundoktor habang naka-umis sa akin. Makalipas ang ilang taon na pamamalagi sa ibayong dagat, heto at muli na akong babalik sa aking kinalakhang baryo sa Tanauan. Ilang minuto bago tuluyang umusad ang sinakyan kong bus upang tahakin ang kahabaan ng EDSA at South Super Highway. Kay-laki na talaga ng ipinagbago ng Maynila simula ng ako ay umalis dito. Ma-traffic pa din, siguro bahagi ng pagunlad ng isang lungsod ang traffic. Marami ng mga bagong gusali ang nakatayo sa kahabaan ng EDSA. Habang binabagtas namin ang kahabaan ng South Super Highway, naalala ko ang mga panahon na

PBT [Pag Babalik Tanaw]: Kwentong kabobohan.... ~ Ika-Limang Yugto

Likas na ata sa atin ang may kanya-kanyang tinatagong kabobohan sa buhay... aminin man natin o hindi, maraming mga pangyayari sa atin na minsan kung babalikan natin masasabi nating: "Ang bobo ko nga!" Hayaan ninyong ibahagi ko sa inyo ang ilan sa mga kabobohan ko sa buhay... =) Unang Kabobohan: Forth Year College sa kursong BS ComSci noon kaya nasa thesis moment kami.. Sina Alex, Caren at Shey ang aking team mate. Ilang araw na lang at thesis day na namin nagmeet kami ng team ko sa Buendia patungong Mantrade. Dahil ako yung may computer sa team bitbit ko lang ang aking jurassic era na pc... :) So sakay kami ng jeep sa Buendia papunta kina Alex para sa finalization ng system.Pumara si Alex sa may ilalim ng tulay ng Manrade kahit malayo pa ang jeepney stand... ewan ko ba sa mga pinoy kahit saan na lang makapara... kahit sa gitna pa yan ng kalsada.. hehehe... So dahil ako ang may hawak ng malaking CPU di ko nakikita ang dinaraan ko... at presto pagbaba ko sa jeep naghihintay ang

LESSON LEARN...

sabi nila bakit daw lesson learn at hindi lesson learned ang inilalagay ko... aba teka kanino bang blog ito??? akin ito.. hehehe.. :) walang pakialaman.. mag-blog ka din para masaya.. hahaha.. *PEACE* Arcega-OUT!

ang aking lunch box..

Kagabi pagdating ko sa bahay galing sa gym.. (Ahemm nag g-gym na ako)... Bigla na lang akong inatake ng pagluluto... Actually natakot ako ng mabasa ko ang ibig sabihin ng anorexia.. hehehe.. ayaw ko pang mamatay.. marami pa akong bubuhayin... hahaha.. Kasi feeling ko ang taba-taba ko.. pero sabi nila sobrang payat ko na... tapos hindi pa ako nagkakakain.. kaya yun.. mukhang anorexic na ako... (aba sosyal na ang sakit ko pag nagkataon... sakit pang artista ito...) Ang matinding resulta nito ay ang makatayong balahibong, KAMATAYAN... kaya kagabi kahit sobrang pagod at late na ako umuwi. Nagluto ako ng masarap ng KARNE.. KARNE-DINAS... hahaha... Oo, kumakain ako ng sardinas... and take note fave ko ito, sabi nga ng ate ko noong nasa Cubao pa ako may pagka-Mangyan daw ako kasi takaw ko ng sardinas... hehehe... pero okay lang masarap naman.. hehehe.. Pagising ko kaninang umaga, buong ningning kong inilagay sa lunch box ko ang masarap na sardinas na may sotanghon... at bitbit ko papasok sa o

My name is Ernie!

Nakakatuwang isipin na bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang pangalan... mahirap ka man.. mayaman ka man.. bingot ka man... mukhang nasagasaan ng pison ang ilong mo... carry lang may name ka naman... so ngayon iyon ang kwento ko sa inyo... Maniniwala ka bang ang dapat kong pangalan ay Ernie? Astig feeling ko ka-berks ko si Bert.. hahaha... sesame na sesame street ang dating ko... :) Two or three years old na ako ng matuklasan ng magulang ko na iba ang pangalan ko... dahil malayo kami sa bayan kaya napakalimited lang ang mga pumunta doon.. Pinsan ko ang ang nagpa-register sa akin sa bayan.. Bilin nina Nanay na Ernie ang pangalan ko... Lumipas ang taon at laging Ernie ang tawag sa akin... Hanggang magtaka ang pinsan ko kung bakit laging Ernie ang tawag sa akin, eh di daw naman yun ang aking pangalan.. Ng ma-check ang aking birth certificate doon pa lang nalaman nila na RENIE ang aking pangalan at hindi ERNIE.. ayaw daw pumayag ng mahaderang registrar na Ernie pangalan ko kaya ginawang R

My Jacket...

Today I brought my jacket d2 sa office... actually it's NCS jacket.. inuwi ko kc ito last 2 months ago para labhan.. kaso masyadong malaki kaya tinatamad akong magbitbit pabalik sa office... Kaninang umaga may hunched na ako na mukhang malamig sa office (lagi naman) at uulan for sure (may bago ba?). So what I did, bitbit ko si jacket papasok ng office.. Pagdating ko sa office... medyo malamig kasi kulimlim.. ng isuot ko ang jacket.. ekkk... parang amoy luma... hahaha.. as in... ilang beses ko ng pabali-baligtad ng jacket pero ganun pa din ang amoy... hhhaaayyy.. nag amoy YALAM tuloy ako [kabaligtaran ng malay]... hhaaayy.. amoy amag.. hahaha... ============== Lesson for the day: Maligo bago pumasok sa office... (ang layo ata!)

PBT [Pag Babalik Tanaw]: When I grow up I want to be.... ~ Ika-Apat na Yugto

Noong nasa elementarya pa lang ako sa aming nayon usong uso yung mga Informal Theme, Formal Theme.. yung gagawa ka ng kwento... yung margin ay 1 inch sa Left at .5inch naman sa right... :) So kung di ka maka-relate sorry... getting old na ata ako at hindi ka maka-jive sa aking panahon... hahaha... Kabilang sa mga sinusulat dito yung Christmas Vacation, About Undas, About vacation day, etc... pero isa sa hindi ko malilimutan yung My Autobiography Moment.. hehehe.. dito mo isasalaysay ang lahat-lahat sa buhay mo.. kung ilan kayong magkakapatid, pangalan nina nanay, ni tatay... parang formal Slum Book ito.. hehehe.. kaso walang about crushes dito.. hehehe... Minsan sabi ng guro namin gumawa daw kami ng My Autobiograhy... so gawa naman ako... Noong matapos na ako, sabi ng aking kaklase kung pwedeng pakopya... sabi ko di pwede kasi magkaiba naman kami (O d ba bata pa lang suwapang na sa sagot.. hahaha... ) So sabi ko cge tulungan kita... Sa may last part inilagay namin yung "WHEN I GRO

38 days and still counting...

Gossh!! 38 days na lang at nasa pinas na ako.. grabe na ito... sobrang excited ako.. ewan ko ba parang the more ako na e-excite the more bumabagal ang araw.. i remember noong hindi ko iniisip ang araw parang super bilis.. parang kapapasok ko pa lang ng lunes friday na agad.. pero ngayon.. haayyy.. sobrang feel na feel ko na sobrang bagal ng araw... pero ganun pa man heto at excited na ako... Paguwi ng Pilipinas ay hindi biro sa mga tulad naming mga OFW (oveseas Filipino Worker)... Pero teka bago ako magkwento.. dati pag nadinig ko ang OFW pang longkatuts ito pero ngayon nagbago ang pananaw ko.. isa na akong OFW.. Goshh! baka salubungin pa ako ni PGMA at sabitan ako ng Sampaguita at sabihin sa aking: Mabuhay ka bayaning Pilipino... Oh My God di kaya ng powers ko yun baka himatayin ako sa airport at sa halip na sa Batangas ang destination ko sa hospital ng patay este pasay pala ako pulutin.. harharhar... Anyways, balik sa kwento... sabi ko nga hirap umuwi sa pinas, not because mahal ang

Jerico Jeans...

Remember yung kwento ko sa Malaysia..na-mentioned ko dun nakita namin ang poster ni Jerico Rosales promoting his Concert & his Jeans... Oooppsss.. sorry to tell not Jeans pala yun.. hehehe.. pangalan pala yun ng band niya.. Jerico Jeans... hehehe.. astig... :) Salamat sa abante.com.ph.. hehehe.. (o di ba hindi naman halatang showbiz na showbiz ang dating ko nito... harharhar)

PBT [Pag Babalik Tanaw]: Kwentong Titser ~ Ikatlong Yugto

Sino nga bang makakalimot sa taong nagbahagi ng kanilang karunungan sa atin.. ang mga taong nagtiyaga habang tayo ay umiiyak.. mga taong kahit asar na asar na sa atin ay pilit pa din tayong iintindihin... yung maglilinis ng ebak natin pag natae tayo sa short at palda... eh sino pa nga ba.. eh di ang ating mga TITSER... Kung noon himusgahan nila ang aking kakayahan sa pamamagitan ng aking mga natutunan sa kanilang leksyon, na ang iba ay kung maybigay ay pasawang awa. Ngayon,ako naman ang magbibigay sa kanila ng marka kung pasado ba sila o pasang awa... hehehe sabi nga pana-panahon lang.. hehehe.. ito ang panahon ko para makabawi sa kanila... Una akong nag-aral sa edad na anim na taon. Dahil wala pang nursery, kindergarten, at prep sa amin nayon kaya ang tawag sa amin "saling cat-cat" kung hindi ako nagkakamali mga sampu lang kami noon.. nakikihati kami sa room ng Grabe 1. Upuan namin ay mahabang desk sa likod ng mga tunay na estudyante... hehehe. Para kaming mga judges sa isan

PBT [Pag Babalik Tanaw]: Senior Citizen ~ Ikalawang Yugto

Sa mga nasabik sa aking PBT stories heto at muli kong babalikan ang aking nakaraan... Isang nakaraan na hindi ko malilimutan. Hindi ko tahasang maalala kung buwan ng Agosto o Disyembre ito naganap pero ang alam ko may isang malaking okasyon sa aming komunidad na kung tawagin ay Christus Vincit [CV]. Maaga pa lang nagkita-kita na kami ng aming mga kapatid sa CV para sa preparasyon sa okasyon. Ang iba ay nagaayos ng lugar na pagdarausan ng okasyon. Ang iba ay abala para sa paghahanda ng pagkain. Isa sa aming kapatid na si ate Miles [Kilometers for short] ay naghanda ng pagkain kaso dahil medyo may kalayuan ang bahay nila sa San Marcelino at may gagawin din siya ng araw na iyon kaya kailangang puntahan pa sa Malibay ang pagkain na kanyang inihanda. Dahil hindi naman ako sanay sa Malibay, kasama ko si Deck papunta sa lugar. Sumakay kami sa LRT sa UN Station papuntang Pedro Puyat este Pedro Gil pala.. hehehe... Kwentuhan kami habang nakatayo sa loob ng tren, knowing LRT swerte mo kung makak

Pilipinas Game ka na ba?

Getting one year na ako sa office this coming May..sinong magaakalang ang isang kamoteng tulad ko ay makakakita ng trabaho sa bansa ng mga malalakas ang jutok... :) Akala ko dati walang patutunguhan ang paghahanap ko ng work ko dito sa singapore... Pero sabi ko nga lahat ng bagay na nangyayari sa buhay natin ay madahilan ng Diyos... Matapos ang aking matagal na paghihintay at heto na ako... I know sobrang aga pa para mag-predict pero UUWI na ako sa Pinas sa SEPTEMBER... hahaha.. Siguro maraming matatawa sa aking blog ngayon kasi ba naman ang tagal tagal pa ang September pero heto at may PRESS RELEASE na agad ako... Maybe the main reason kung bakit ako excited kasi na-miss ko na ang Pilipinas... I know maraming mga tao sa pinas na gusto ng umalis ng bansa para makipagsapalaran sa ibayong dagat... pero ang nakakatuwa sa atin.. after nating makakita ng trabaho at mag-stay sa ibang bansa... na-mi-miss naman natin ang pinas... hayy buhay parang life... Sino ba namang hindi makaka-miss sa pi

Ang TV (Ang Travel Vacation)

Imahe
Bago ang lahat isang tabi ko muna ang akong PBT (PagBabalikTanaw) entry dito sa aking blog. Tawagin nating itong Ang TV (Ang Travel Vacation). hmmm... sounds okay na ang name... Di naman hatalang Kapamilya ako. Hayaan ninyong ilahad ko ang kwentong GENTING and KUALA LUMPUR Vacation last weekend (March 24-26). Thursday night nagpunta ako ng HardRock Cafe kasi birthday ni Bobby. (wag kang magtaka kung bakit ko ito ikukuwento... basahin mo ng mabuti at mauunawaan mo.) Kain dito, kain doon at syempre dahil beerday dapat may inuman (opppsss... sorry marunong na po akong uminom ngayon) simple lang naman ang ininom namin Jack Daniel (tama ba ako Abec?) well, to cut the story short.. medyo may konting tama lang kami ni Hansel kaya pag-uwi namin yun prepare ng dapat dalhin... as in almost 2am na ata kami natulog. Friday, heto na excited ang dalawa.. Dahil nakatira kami sa bundok ng Sengkang... grrr... walang taxi... sa awa ng Diyos dumating kami sa bus terminal sa Lavander 7:15am. Daig pa namin

PBT (PagBabalikTanaw) : Kwentong EBS [Unang Hirit]

Kung may PBB ako gagawa ng sarili ko... I called it:PBT (PagBabalikTanaw). Hindi para magsumenti bagkus babalikan ko ang mga panahong puro kalokohan ang nangyari sa akin... Susubukan kong halukayin ang aking imahinasyon hanggang sa abot ng aking makakaya... Para sa unang hirit isasalaysay ko ang kwentong EBS sa buhay ko... Alam ko marami sa atin pag ito ang pinagusapan kalimitan sasabihin.. YAKKIIEEE... pwes ito ang isasagot ko: "Hoy wag kang magmaganda tumatae ka din and for sure mas mabaho pa sa akin..." hahaha.. Ang taray di ba... O siya heto na... Kung kumakain ka please lang maghunos dili ka maraming nagugutom kaya wag mong isuka or itapon ang pagkain... Ipinapaalala na wag munang kumain or kumain muna bago ito basahin... Mga way back early 1980's siguro maituturing kong ang lugar namin na sobrang layo sa kabihasnan minsan nga kung tawagin ko ito ay bulubundukin ng Abra sapagkat ito ay may kalayuan... Isa sa nakakatuwang bagay sa lugar namin, hindi uso ditong RestRoo

Message from my Friend...

Few days ago or rather few weeks ago I'm on the stage of confusions and illussions... Magulo ang isip ko recently as in... I cannot do anything kaya basa mode lang ako ng pocket books and surfing the net lang ako... hehehe... Last night sobrang dinalaw ako ng lungkot. I simply sent an sms to my close friend, asking for his prayers that night. He simply reply this: "A man with 50 problems is twice as much alive wih 25. If you haven't got any problem you should get down on your knees & ask, "Lord don't you trust me anymore?" After reading this message I cannot help it but to cry... haayyy Hindi pa din ako nagbabago iyakin pa din ako... hahaha... I'm blessed having this friend of mine... Eventhough matagal na kaming hindi nagkikita, or kahit madalang pa sa patak ng ulan ang email niya pero in time of distress, in time that I badly needed someone to listen to me... He always there ready to listen to me... Malayo man kami sa isa't isa pero yung wavele

Macho Gwapito...

Maniniwala ka bang isa akong macho gwapito? hhmmm i doubt kung maniniwala ka sa akin... hehehe.. pero alam mo bang dumating yung stage sa akin na hirap akong magdecide pagdating sa lovelife...hahaha...Oo aaminin ko BOBO ako pagdating sa bagay na ito... kung pwedeng magpa-tutor sa bagay na ito naku baka nagpatutor na ako...hehehe... O heto ang aking kwento... Sabi nila mabait daw ako... super sweet... malambing pa sa kambing kahit kikay... thoughtful... gentleman... yun bang sabi nila na tipong ipag-pa-pray mo kay God na maging kabiyak sa buhay... Some of my friends knew kung gaano ako nahihirapang magdecide pagdating sa bagay na ito... Alam mo bang marami silang nabulag sa aking kabaitan... hahaha... masyado ata nilang na-mis-interpret ang mga bagay bagay kaya nadala sila sa akin... Today 09-Mar-2006 I decided to move on... hehehe... sa mga na-obsess sa akin sa hindi ko alam na kadahilanan... hehehe.. I broke my silence... hehehe... all of them received my BIG NO... :) My intention ay

Siguro Milyonaryo ka na?

Ito yung connotation nating mga Filipino pag nasa ibang bansa ang isang tao. Dati ganun din ang iniisip ko na pag ang isang tao ay nagta-trabaho sa ibang bansa, hanggang ako ay makapgtrabaho dito sa singapore at napagtanto ko na ito pala ay isang malaking pagkakamali. Akala ng mga tao pagnasa ibayong dagat ka para kang namumulot ng dolyar at pagkatapos iipunin mo at iyong ibang parte ay ipapadala mo sa pilipinas. hahaha.. THIS IS A BIG JOKE!!! Alam mo bang bawat dolyar na kinita ng mga iyan ay higit na puyat at pagod compare sa trabaho sa pinas. and to think ang ginagastos din nga mga iyan ay dolyar... Bigyan kita ng halimbawa... Assuming kumikita ka ng 2500 SGD kung ico-convert mo sa philippine peso mga almost 80,000.00. Pero sa loob ng 2500 na yan kasama ang bayad sa bahay, Kuryente, tubig, bills ng telepono, bills ng internet at kung anu-ano pang mga bills. Kasama din dyan ang monthly remittance mo sa mga kapamilya mo, monthly na gastos mo including transportation, & foods. Mor

HANDA NA BA AKO?

Imahe
It's my one year in Singapore already... My God I can't believe na tatagal ako ng isang taon na hindi umuuwi sa Batangas... or rather hindi ko kasama ang CV sa aking mga lakad... pero heto ako ngayon isang taon na.. hayyy katulin ng panahon.. bukas makalawa dalawang taon na agad ako. Sa loob ng isang taon parang katumbas ata nito ay ilang taon na ng aking buhay sa aking mga naging karanasan dito. Maraming bagay akong natutunan at mga bagay na nabago sa aking sarili. Anyways, hindi yan ang kwento ng BLOG ko today... Halina at basahin ang susunod na paragraph (Oooppsss na-lost ako sa TAGALOG... nalimutan ko po ang tagalog sa paragraph.. hahaha) Nitong nagdaang dalawang linggo, nasa stage ako ng trying to have someone ika nga.. hehehe... I'm starting dating na... So sa mga hindi pa nakakakilala sa akin bago ito sa aking buhay... noong nasa pinas ako may nakadate na din ako pero more friendly date at yung iba getting to know lang then after wala na... pero this time hhmmm.. sor

Sino si Deng sa Buhay ni Romeo?

Imahe
Araw ito ng linggo, medyo bad trip ako that day kasi ba naman itong aking "housemate" decided na hindi sumabay sa aking pagsimba... hinintay ko pa naman siya, all of a sudden sasabihin niya later na lang daw siya magsisimba. So dahil wala naman akong magagawa nagsimba pa din ako. Katatapos pa lang ang 9am Mass, usually kasi 9am kami nagsisimba ni Hansel kaso dahil late na siyang magising tapos he decided na hindi sumama kaya sabi ko 10am Mass na ang aabutan ko... 10:30am na di pa nagsisimulang mag-misa at ang tao ay kokonti pa... I keep praying that day na sana makakita ako ng community na pwede akong mag-join... Luckily after my prayer, I approached yung members ng choir, if I'm not mistaken it's Josiephine and Alvin (both Singaporean). Sabi ko magjo-join ako sa choir nila... then ng dumating si Rey (pinoy ito).. PRESTO... may community na ako... hahaha.. at dun ko nakilala si ROMEO GUERZON... sabay na agad kaming umuwi pagkatapos ng mass and take note invited agad a

BOBBY

Imahe
Madilim na ang paligid, tahimik at payapa ang bawat tanawin. Kasama ko si Hansel at si BF(bestfried)Romy habang naglalakad patawid sa kahabaan ng sengkang east way. Malayo pa lang kami ng may mabanaagaan na kaming dalawang taong nakaupo sa may baba ng Blk.323A, isang lalaki at babae habang nagkukwentuhan. Napansin kong nakangiti na si Romy kahit malayo pa kami ewan ko kung bakit mukhang masaya si Romy ng makita niya ang dalawang taong yun.. hhhmmm (next story na lang yun...) "Sina Bobby at Liza!" wika ni Romy Sa isip-isip ko.. "Eh ano ngayon MA at PA..." (malay ko pakialam ko... ang taray.. hahaha... ) Kidding aside kilala ko na si Liza that time pero yung lalake niyang kasama di pa... Nadidinig ko lang kay Romy ang kanyang pangalan... BOBBY daw... First time naming siyang na-meet at heto na alaskahang umaatikabong agad ang aming pagkakakilala... saan ka pa... Una ko siyang na-meet OKRAY agad siya sa akin... hahaha... Hindi man ako ang lagi niyang kasama, well i'

Hansel

Imahe
I can still remember yung mga salitang.. "AJA lng bro! makakakita din tayo ng trabaho!", "Kung ayaw nila eh di wag sinong tinakot nila, di ba?", "O saan tayo ngayon? may opening sa may International Plaza gusto mong sumama?", "Good morning ma'am, we would like to inquire if you have an opening for IT. Maybe we could leave our resume here for your reference." at kung anu-ano pang mga dialogue... Yan ang hitsura namin ni Hansel... Paano ko nga ba malilimutan ang taong ito, siya ang kasa-kasama ko sa hirap at saya noong mga unang panahon ko dito sa Singapore. Ang mga panahong kailangan mo ng kausap, pagsasabihan mo ng frustrations mo, yung kukuwentuhan mo tungkol sa pag-aapply mo today, kung ilang beses ka naligaw at ilang kilometrong paglalakad ang ginawa mo... Yan ang hitsura namin ni Hansel sa ilalim ng mga buildings sa Raffles Place habang kumakain ng fries at umiinom ng walang kamatayang ice lemon tea. Nakakatuwang isipin na sa hindi mo ina

I Miss You

This past few days, medyo nasa struggle period ako ng life ko as a Christian. I really miss a lot... I worried a lot... And sometimes it results me for crying and weeping sa aking hidden place wherein I can find rest: My ROOM. I miss a lot yung mga bagay na dati kong ginagawa sa pinas... Maybe I earned a little sa pinas compare sa kinikita ko ngayon pero iba pa din ang pakiramdam kung kasama mo ang mga taong malapit sa buhay mo. I don't know kung madrama lang ako pero ako ito eh.. ganito ako... siguro naman lahat tayo may mga ka-dramahan din sa buhay na itinatago... Okey lang umiyak sabi nga ni Deck na aking kaibigan: "Bro, Boys don't cry but real men do!" Hayyy na-miss na kita kuya bhe bhe... Sana andito ka din para may kasama ako araw-araw lalo na sa oras na nanghihina na ako sa aking spiritual life... I badly need your prayers... Pero I know naman you will keep praying for me. Dati simple lang ang buhay ko... maaring wala akong time sa sarili ko, pero I'm happ

Kagat ng Lamok

Imahe
Remember Punggol End? Well,sa hindi pa nakaka-alam ng Punggol end check my pix... makikita ninyo dun ang Pungol End. Ito yung lugar kung saan abot tanaw mo ang Malaysia, sabi nga isang tambling lang Malaysia na! Today, we had this BUWISITOR este BISITOR.. His name is Bobby.. hindi po cya si Bobby Andrews... sabi nya kamukha daw cya ni Sam sa PBB... hehehe... pero kung ako ang tatanungin.. ayaw ko ng mag-comment... hahaha.. joke lng Bobs! =) Anyways, balik tayo sa kwento... Holiday dito sa Singapore today, pero dahil sometimes nakakasawa ng maggala sa MALL... eh better tumabay ka sa mga kaibigan mong pinoy dito, kahit wala ng kwenta ang pauusapan sige lang basta may magawa lang... bbwwwhhahahaha... as I've said may visitor kami kanina sa house, syempre kwentuhan hanggang dumating sa point na makaayaan sa Punggol End... ewan ko ba dito sa bisita namin kay tagal na dito sa Singapore di pa nakakarating sa Punggol End, eh malapit lang naman sa place namin... hehehe.. to cut the story sh

1:26am still awake

o di ba dapat may blog din ako today.. kung may blog ang aming "MATALIK" na kaibigan na si BOBBY.. dapat ako din magagawa ng blog.. kesyo mapuyat ako... basta makagawa din ako.. hahaha... joke lang po.. kidding aside.. gusto ko ding magkwento ng aking araw ngayon... ay yung kagabi muna pala... hehehe... dapat gigimik kami last night nina BOBBY, ROMY, HANSEL at AKO.. O di ba.. may salita na akong gimik.. imagine... noong nasa pinas ako... hindi ko man lang nababangit ang salitang yan.. hahaha... dati ang buhay ko.. bahay-opis-church-bahay.. buong linggo yun.. hahaha... except sunday at saturday.. bahay-church-bahay lang.. hahaha.. =) pero ngayon ang laking pagbabago.. hahaha... anyways balik tayo sa kwento... dahil may meeting kami sa St. Anne Church nina Romy (church na naman...) hindi kami nakasama sa gimik nina hansel at bobby.. so lumakad silang dalaw.. BAR HOPPING mode sila last friday.. madaling araw na nagsiuwi... tsk tsk tsk... hahaha... So ako today naka-set na ang sc

Kailan naging tama ang mali?

Ngayong araw na ito ang isa sa pinakakalulang araw ko... Hindi ko alam kung great blessings ba ito ni Lord or ano? Heto ang kwento. Dati under ako ng agency dito sa singapore.. knowing Singapore most ng IT d2 mga subcontractual. So to cut the story short na-absord ako ng NCS as permanent staff.. (ewan ko sa company ko kung bakit ako na-absorb eh wala nga akong ginagawa sa office kundi mangulit sa email ng mga kaibigan eh... hehehe). Dito pala sa Singapore pag nagwork ka below six months ang TAX mo will be 15% pero kung umabot ka ng 6 months ang tax mo 6%. This coming November 3 getting 6 months na ako sa company, pero dahil na-absorb nga ako meaning less than 6 months pa lang ako sa company.. kaya ang TAX ko 15%... and guess what how much it cost yung TAX ko in Philippine peso Php92,000.00+... wwwhaaaaaaa... grabeng tax yan.. halos isang taon ko ng sweldo sa pinas ah... Pero God is great, dahil mabait si Ms. Faith ng PGI which is my former employer... binigyan nya ako ng idea na pwede

Kasalanan bang kumain???

Wow... My second entry sa aking blogsterzzzz.. hahaha.. =) well, today..heto super busog ang aking tiyan... Oh my God... as in super duper busog ako... thanks sa FAREWELL PARTY ni Fr. Richard Ambrose ang sarap ng TAPAO (bitbit yan from party..) around 10 pcs na chicken wings... hehehe... then ngayon lang namin nakain ni tatay hansel... as in 8 pcs ata ang nakain ko kay hansel 2pcs lang.. hahaha.. OOOooopppsss.. PAANO na ang aking DIET.. hahaha.. =) Well, sa mga matagal na hindi nakakakita sa akin... hindi na ako yung dating matabang RENIE... payat na po ako.. SMALL at MEDIUM na lang ang damit ko unlike before Medium at Large ang damit ko... balik tayo sa kwento.... eh ano ang aking magagawa napasarap kumain... tao lang nagugutom din... Kung kasalanan ang kumain... Hayaan ko na munang magkasala, minsan lang naman ito... hahaha.. =) THANKS Fr. Richard... sobrang ma-mi-miss ko ang chicken wings... wait ko na lang ang FAREWELL PARTY ni Fr. Henry yung bagong pare dito sa St. Anne Church sa

Ako

Ito ang aking unang entry dito sa blogspot... astig.. blogger na din ako.. hehehe.. i used to post sa friendster pero i noticed nawawala ang aking mga old posting.. kainis... nalungkot ako...kasi ilang buhok ko din ang naubos kaiisip ng aking gagawin tapos all of a sudden buburahin ng friendster... ggrrr... galit na ako sa friendster... sino sila para pakialaman ang aking private blog... sino???? sagutin ninyo ako??? pero okay lang... ganito talaga ang buhay may mga manloloko at naloloko... ako siguro wala sa dalawa... ako yung cute.. hehehe... I-try kong i-transfer ang mga ginawa kong blog sa friendster dito.. hehehe..