Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Agosto, 2023

Hidilyn Diaz, ikaw ba yan?

Dahil winter ngayon kaya dapat ang kwento natin ay tungkol sa winter.  Matapos akong makakita ng trabaho, lumipat ako from Auckland sa Taupo. (Next time kwento ko kung paano ako natanggap dito). So heto na nga, hindi naman ako na-inform na ang Taupo ay nasa tuktok ng bundok. Kung noong bago sa Auckland ay para na akong lumpiang sariwa dahil balot na balot ako, jusme pagdating ko dito sa Taupo para na akong Michelin Tyres na mascot. hahaha!!! ganun katindi ang lamig dito. LOL!   So heto na nga, meron lang akong 1 week para makakita ng bahay na titigilan ko. Jusme sa dami ng bahay dito sa Taupo ang hirap humanap ng bahay na uupahan. Tapos heto pa, noong nasa Singapore ako, paglilipat ka ng bahay, dadalhin mo lang ang maleta mo tapos pagdating mo sa lilipatan mo, kumpleto na ang gamit. Dito sa New Zealand ay hindi ganun, pagdating mo sa bahay.. kalurkey... walang anything sa loob ng balur!!! jusme paano na kung wala kang datung??? so ganun na lang sa floor ka na lang matutulog??? ang saki