Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Abril, 2016

JAPOPO con yelo

Babala: Ang susunod na akda ay hindi magandang basahin habang ikaw ay kumakain dahil ito ay magdudulot sa iyo ng pagkawala ng gana sa pagkain... Pero kung mapilit ka…walang makakapigil sa'yo.. (PABEBE lang peg?!)   Noong bata pa kami wala naman kaming mga laruan na masasabi mong hitech. Hindi tulad ngayon ang mga bata naka-ipad o naka-tablet na. Noon kami, lata tapos lalagyan ng tsinelas na binilog sa tabihan instant truck na... saha ng saging na-finold o kahoy na-nicurve may instant baril... plastic bag na lalagyan ng tinapay na tinalian ng sinulid sa apat na sulok instant parachute na... foil ng sigarilyo ilagay mo sa ngipin instant braces.. hahahaha!!! Pero sa dami-dami ng mga kalokohan noong bata kami, itong susunod kong kwento ang pinaka-weird sa lahat.   Iilan lang ang bahay noon sa lugar namin (likod ng school ng Laurel). Siguro mga sampu lang ata kung hindi ako nagkakamali (Tiya Cely, Kakang Juana, Ate Tore, Kakang Atang, Nanay Osay, sa mga Nanay, sa amin, Tiya Iska, at Tiy

Mga lihim sa likod ng iyong panaginip.

Minsan hindi ka ba nagtatanong kung ano ang ibig ng iyong mga panaginip? Yung magigising ka sa madaling araw at mapapaisip ka ng: Sh!+ ano kayang ibig sabihin ng aking panaginip. Ngayong araw sisilipin natin ang mga lihim sa likod sa iyong panaginip. Sa pamamagitan ng aking makintab na bunbunan sisikapin kong hulaan ang mga lihim sa likod ng inyong panaginip.   1. Yung lumilipad ka pero may humihila ng iyong paa. O wag mong i-deny pak na pak ito. Halos ata ng kakilala ko may ganitong panaginip and for sure ikaw din. Wag mong sabihin na espesyal ka at di mo ito naranasan. Di ba kaloka, ready to fly ka na pero may mga taong pilit kang hinihila pababa. Yung kahit anong pilit mong tadyak sa mga hayuff hindi pa din sila bumibitaw sayo... mga linta ng lipunan lang ang peg? hahaha!  Analysis: Ayon sa aking mahiwagang bolang krystal tandaan mo ang mukha ng mga taong humihila sayong paa dahil sila ang mga taong humihila sa'yo pababa para di mo ma-achieve ang mga pangarap sa buhay. Kung di m