Malamig ang ihip ng hangin...
Iba na ang simoy ng hangin, ang dating maalinsangan ngayon ay may ibang dampi na sa aking katawan: malamig kung ihahambing sa mga nagdaang araw. Dagli kong kinuha ang aking kumot at binalot ang aking sarili. Mag-isa man ako ngunit katabi ko naman ang aking mga unan, sapat na yun para maging maginhawa ang aking tulog. Ilang singhot saka ko naamoy na mabaho na aking kumot at punda ng unan. hehehe.. Kaya naman paggising ko ng umaga nagmamadali akong nilabhan ang aking gamit sa pagtulog. Buong nining kong nilagyan ang aking kumot, bed sheets at punda ng unan ng powder soap at hinayaang linisan ang kanilang sarili... hehehe Late na ako pero kailangan ko pang isampay ang aking nilabhan para kinagabihan may gagamitin akong kumot sa pagtulog kasi wala akong extra eh... hehehe Dahil may dinaanan pa ako kagabi kaya late na din ako nakauwi sa bahay. Inaayos ang hubad kong higaan saka ko kinuha ang aking nilabhang kumot. Medyo basa pa ito dahil umulan ng araw na ito. Dagli kong kinuha ang plantsa ...