Bawal bang matulog pagpuyat?

Last Friday, nakauwi na ata ako ng house past 11pm na... hehehe... hindi ako galing sa galaan but rather I went sa practice ng "sayaw".. yes sa sayaw po ako galing... hehehe...

Pagadating ko sa house, rest lang me ng konti at ligo then yun na... nagsimula na akong maglaba ng walang katapusan... grabe natapos na ata ako ng past 3am... hahaha.. and I need pang gumising ng maaga kasi aattend me ng SFC-Music Min fellowship. Grabe 11am na parang ayaw ko pang bumangon sa higaan.. hehehe.. pero syempre dapat lumayas na ng bahay kasi mala-late na naman ako... hehehe... :)

Good thing pagdating ko sa Highland St. nakita ko sina Reggie, Almin, Cleo at nanay ni Reggie na kumakain... hehehe.. so syempre ano ba ang role ko pag may mga nanay? eh di taga aliw... hehehe.. :) Nakakatuwa talaga ang mga nanay... they always tell kung gaano sila ka-proud sa mga achievements ng mga anak nila, which I think a very good sign na okay ang family nila and their relationship sa bawat isa.... Na-miss ko tuloy si nanay ko sa pinas..

Naiwan kami ni nanay ni Redgs sa hawker center kasi kumakain pa siya.. since sila nila cleo ang organizers dapat maaga sila... (teka bakit ba ang aga ko, eh di naman ako organizer... hahaha...)

Anyways, okay ang fellowship, I met yung ibang di ko panakikita sa Music Min... I praise God when I saw Bro.Alex... (he is an Indian).. wala lang na-be-bless ako eveytime I saw him sa community...

Then we had this honoring for Bro. Joemer & Sis. Jackie who's getting married na and their leaving SFC... hehehe.. actually another blooper na naman... I thought silang dalawa ang magiging mag-asawa... hahaha...tanong pa ako kay Rey... :) Well, di po sila ang magiging mag-asawa.. hehehe.. cencya na talaga... di na tuloy ako makaisip ng sasabihin sa kanila since nawala na ang laman ng isip ko that time katatawa... hahaha.. :)

I left the place around 6pm na kasi I need pang umattend ng Household ko that time sa Kallang... grabe na ito... dumating ang aking kasabay papuntang bahay nina JP around 9pm na... hahaha... :) sobrang sakit na ng binti ko kalalakad that time... :)

Pagdating namin sa house nina JP...wwwhhaaa.. sakto di pa ako nagdi-dinner.. :) sarap ng fish na luto ni JP... :) Bro. sobrang thanks... nabusog ako sa chicken, at sinigang na fish.. SARAP... hehehe.. :)

By the way, sarap ng chocolates... hehehe. (Ilang calories kaya ang nadagdag sa akin that night??? hahaha... I managed to eat four chocolates.... sakit tuloy ng ipin ko...hehehe...)

We ended up past 1 in the morning na... hahaha.. pero bros.. thanks for everything... :) You're my angels that time... hehehe.. :) well, come what may ang maging decisions ko sa life ko... :) but all your ideas are very helpful... hehehe.. :)

Dahil late na kami nakauwi ni Romeo sa Sengkang.. kaya what do you expect.. puyat na naman ako and I need pang gumising ulit ng mas maaga ng sunday kasi ako ang kakanta ng salmo... hahaha... :) Kung di lang talaga kami kakanta ng Sunday, kina JP na lang din ako tutulog.. grabe umabot ng 21 dollars ang taxi.. hahaha...

I praise God kasi nakanta ko ang salmo ng kahit paano di naman mali... though sabi ng iba walang conviction at yung aking diction eh masyadong malabo.. hehehe... sorry di naman kasi ako Bristish English.. ang hirap hirap kaya... hahaha... :)

Morning til night kami sa simbahan kaya naman pagod na pagod ako.. hehehe.. Heto ang mga checklist na di ko nagawa...

1.) di ako naka-plantsa
2.) di ako nakapag naka-canvass ng tripod para sa aking digicam na jurassic era... hehehe
3.) at higit sa lahat kulang me sa tulog... hahaha

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin