Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2014

Bully!

Ewan ko pero bakit ang mga bata lahat ng mga kalokohan sa buhay ay alam na alam nila. Ang galing magbigay ng mga codename sa mga kaklase, sa titser at sa lahat ng bagay. Halimbawa kung medyo hiwa-hiwalay ang ngipin mo (tulad ko) sasabihin.. “Exam araw-araw? one seat apart ang drama ng ngipin! bawal kumopya sa kaklase?” . Jusme bata pa lang talaga namang maagasan sa stress sa school sa mga kaklase mong bully… hehehe.. Pero ang hindi ko malilimutan sa lahat at talaga namang nagbigay buhay sa aking kabataan ang susunod kong kwento. hehehe. Halos lahat na ng pang-aalaska ng mga kaklase kayang kaya kong sakyan kaya parang boring akong alaskahin kasi wala naman makukuha sa akin. hehehe… haller knowing me numbero uno akong alaskador. Pero isang araw itong pinsan ko may natutunang kalokohan at dito ako hindi nakaligtas. Pinsan: “Oto, punta ka dine? bilisan mo.” **Oto ang tawag sa akin noong bata… pls wag nyong dagdagan ng T sa dulo OTOT na yun..** Dali-dali akong pumunta sa pinsan ...

Sando + Pekpek Shorts + Sandals = ???

Sabi nila ang mundo ay katulad ng isang malaking bukas na aklat, kaya kung hindi ka nagta-travel you will remain sa first page ng aklat ng iyong buhay. Noong panahon na nakatira pa ako sa Pilipinas pakiramdam ko noon okay na ako, sapat na ang pakakilala ko sa mundo na aking ginagalawan pero noong magsimula akong lumabas ng bansa at simulang libutin ang mundo nakita kong marami pa palang bagay ang hindi ko alam. Napakasarap maglakbay sa ibang bansa; iba’t ibang experience ang iyong mararanasan pero higit sa lahat gustong gusto ko yung kultura ng bawat bansa na aking napuntahan. Masasabi kong bawat bansa ay may kani-kanilang  kulay ang kultura. Anyway, bago patayo  pumunta sa Geography na class which is hindi yun ang topic ko ngayon ititigil ko muna ang pagsulat tungkol sa sibika at kultura. hahahaha… Hayaan ninyong ibahagi sa inyo ang kwento nakatawang kwento noong una akong mapadpad sa NY last 2012. hehehe.. It was November that year at nagsisimula ng lumamig ang panah...