Bully!

Ewan ko pero bakit ang mga bata lahat ng mga kalokohan sa buhay ay alam na alam nila. Ang galing magbigay ng mga codename sa mga kaklase, sa titser at sa lahat ng bagay. Halimbawa kung medyo hiwa-hiwalay ang ngipin mo (tulad ko) sasabihin.. “Exam araw-araw? one seat apart ang drama ng ngipin! bawal kumopya sa kaklase?” . Jusme bata pa lang talaga namang maagasan sa stress sa school sa mga kaklase mong bully… hehehe.. Pero ang hindi ko malilimutan sa lahat at talaga namang nagbigay buhay sa aking kabataan ang susunod kong kwento. hehehe.

Halos lahat na ng pang-aalaska ng mga kaklase kayang kaya kong sakyan kaya parang boring akong alaskahin kasi wala naman makukuha sa akin. hehehe… haller knowing me numbero uno akong alaskador. Pero isang araw itong pinsan ko may natutunang kalokohan at dito ako hindi nakaligtas.

Pinsan: “Oto, punta ka dine? bilisan mo.”
**Oto ang tawag sa akin noong bata… pls wag nyong dagdagan ng T sa dulo OTOT na yun..**
Dali-dali akong pumunta sa pinsan ko.
Renie: “Ano yun?”
Pinsan: “Gusto mo bang makita ang Maynila?”
Renie: “Oo, saan?” excited ang hitsura ko!
**Note: isa lang ang jeep sa amin noon at pagnakapunta ka sa bayan(Tanauan) talaga namang sikat na sikat ka sa kalaro mo.. eh MAYNILA na ang usapan… haller… ibang level ito…**
Pinsan: “Tingnan mo itong kamatis na dala ko.”
**Imagine ang kamatis na lamog na lamog at makikita mo na yung mga seeds sa sobrang pagkalamog.**
Renie: “Eh anong gagawin ko sa kamatis na yan?”
Pinsan: “Gago ka.. titigan mong mabuti yung mga buto sa loob. Oh nakita mo na?”
Eh ako naman sobrang titig na titig sa buto ng kamatis.
Renie: “Oo.”
Pinsan: “Tingnan mo yung nasa pinaka-gitna… makikita mo dyan ang Luneta Park.”
Jusme magkada-duling na ako sa paghahanap ng Luneta Park di ko pa din makita.
Renie: “Hindi ko makita!”
Pinsan: “Titingan mong mabuti.. wag ka kasing tatanga-tanga.”
Renie: “Heto na titig na titig na!”

Powtek! Yung halos maduling ka na katitingin sa buto ng kamatis sabay pipisain sa mukha mo ang lamog na lamog na kamatis. So anong aasahan mo? Eh away na ang magpinsan. hahaha… sabi nga ng mga Batangueno: “Ayan na at nagbabag na ang mga bang-aw!” hahahaha!!!

Kaloka! At dahil na-utakan ako ng pinsan ko… eh anong gagawin ko? KAILANGAN PA BANG I-MEMORIZE YAN???? Eh di gumanti sa ibang pinsan at kaklase. hehehehe…

#bully
#kamatis
#kwen2niernie




Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin