OKA TOKAT

Naniniwala ba kayo sa mga nakakatakot na mga nilalang? (nilalang talaga! LOL!) Sa panahon ngayon parang hindi na ata uso ang mga nakakatakot tulad ng Tikbalang, Aswang, white lady, etc. Ang uso na ngayon COC, Dota, FB etc. Pero noong bata pa kami talagang super takot ako pag may mga ganitong usapan. Ewan ko ba pero automatic sa aming magpipinsan na pagkatapos ng hapunan lahat kami pumupunta sa bahay nina Mamay Indo at Nanay Osay at doon lahat kami mag-sasama-sama. Lahat ng tsimis at lahat ng kwento doon mo malalaman. At isa sa pinaka-paboritong usapan noon ay ang tungkol sa mga nakakatakot na pangyayari sa aming lugar. Dahil laging kong nadidinig ito sa mga usapan ng mga matatanda sa amin kaya iniiwasan kong abutin ng gabi sa mga lugar na ito.

 

1.) Puno ng Duhat sa sulok ng school - Napaka-misteryoso ng punong duhat na ito kasi sabi nila noong panahon ng mga Hapon dito inilagay ang mga bangkay ng mga namatay. Balot lagi ng mga bagin (vines) ang puno ng duhat sa sulok na school at sabi ng marami laging may nagpapakitang white lady sa lugar na ito. Yung tipong bigla may naglalakad na babae sa harap mo tapos pagtapat sa puno ng duhat biglang mawawala.

 

2.) Sa kanto na pader sa may school - ang lugar namin ay sa may boundary ng Batangas at Laguna siguro mga 3mins walk lang nsa ibang bayan ka na. hahaha. Anyway, yung kanto ng pader ay blind spot yun sa mga driver kasi sobrang sharp ng corner. Paggaling ka ng bayan ng Tanauan at dumating ka sa lugar na ito, yung pakaliwa ay papuntang Calamba at derecho naman ay papuntang Silangan sa may ilog. Dahil may konting paakyat ito na ang lubak sa kalsada ay wagas, ang mga driver ay medyo mabagal magpatakbo ng sasakyan pagdating sa lugar na ito at dito biglang may lumalabas na malaking ASO sabi ng mga nakakakita tapos biglang mawawala habang tumakbo papalayo.

 

3.) Mangahan sa erikay - isa sa kinatatakutan kong lugar noong bata kami ay ang erikay. Ito yung boundary ng Batangas at Laguna dahil sobrang liblib ng lugar at wala halos dumaraan ditong sasakyan. Ito yung lugar na sobrang isolated sa lahat dahil puro puno na malalaki ang makikita mo dito. Pero ang higit na nakakatakot dito ay ang tikbalang. Sabi ng mga matatanda, ang mga tikbalang daw ay kayang gumaya ng ibang tao. Kunwari nakita mo ang iyong tatay pero ang totoo pala tikbalang yun. Sabi nila malalaman mo lang kung tikbalang kung walang anino. Pero ang nakakatakot sa lahat, pagsumama ka sa tikbalang tapos pinakain ka ng kanilang pagkain, sabi nila hindi ka na daw makakauwi kahit kailan. So dahil sa duwag kong ito, tuwing dadaan ako sa erikay, yung pinakamabilis kong takbo ang aking panlaban sa tikbalang, kesehodang may tumatawag sa akin hindi ko lilingunin. Jusme uphill pa ang erikay kaya naman feeling ko dati pagtumatakbo ako nasa likod ko lang ang tikbalang. hahahahaha...

 

4.) Pinagpatayan - sikat ang lugar namin noon na madaming pinapatay na tao. Pagdating ng gabi at biglang may pumutok na baril bukas may bangkay na hindi namin kilala. Doon kasi sa amin itinatapon ang mga bangkay kasi nga hindi na sila makikita pa kahit kailan. Dati rati ang daan simula sa school hanggang papuntang simbahan (nayon) walang bahayan doon. At sa may puno ng Talang (Mabolo) doon sa may papuntang nayon nandoon ang pinagpatayan. Minsan may pinatay sa amin at doon itinapon at simula noon sabi nila may lagi daw nagpapakita sa lugar na iyon. Noon, pagpupunta ako ng nayon at dadaan ako sa may pinagpatayan, sa simula nag-pe-pretend lang akong hindi takot pero pagtumapat na ako sa pinagpatayan. Haller... karipas ako ng takbo... hahaha.. wala akong pakialam kahit masira na ang aking tsinelas basta lang wala akong makitang kung ano sa may pinagpatayan. hahaha... alam mo yung takbong halos madapa ka na pero hindi pa din tumitigil. hahaha..

 

Marami pang lugar sa amin ang nakakatakot pero hindi ko na muna ikukuwento baka di na kyo pumunta sa aming lugar. LOL!!! infairness ha may internet na sa amin ngayon. hahahaha... mas nauna pang magka-wifi sa amin kesa magkaroon ng landline. hahahaha... Subukan ko din i-kwento ang aking tikbalang story soon. ;)

 

#okatokat

#takotako

#aswang

#tikbalang

#whitelady

#kwen2niernie

 

 


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin