Undas
Ilang tulog na lang at undas na naman. Aba at kabilis ng panahon. Panahon na naman para gunitain ang ating mga mahal sa buhay na nahimlay sa kabilang buhay. Tuwing sumasapit ang panahon na ito ang dami-daming kong naaalala noong aming kabataan at heto ang ilan sa kanila. 1.) Paglilinis ng nitso - isang linggo bago mag-undas pumununta kaming magpipinsan sa sementeryo. Dahil medyo malayo kami sa sementeryo sa owner ng Tiyo kami lahat sakay. Siksikan kaming magpipinsan tapos ang November panahon ng tag-ulan sa Pinas kaloka ang lubak sa kalsada papuntang Brgy.Malaking Pulo (andoon ang sementeryo), mas malaki pa sa jeep ang lubak.. bwwwhhahaha... kaya naman pagtumirik ang sinasakyan namin hindi uso ang pasosyal, bababa ka sa gitna ng putikan tapos magsisimula ka ng magtulak. LOL!!! jusme di pa nakakadating sa sementeryo amoy paksiw ka na sa katutulak ng sasakyan. hahaha.. Anyway, masayang maglinis ng nitso kasi nandoon lahat kyong magpipinsan, pagkatapos magpipintura nandyan ang minsan ...