Undas

Ilang tulog na lang at undas na naman. Aba at kabilis ng panahon. Panahon na naman para gunitain ang ating mga mahal sa buhay na nahimlay sa kabilang buhay. Tuwing sumasapit ang panahon na ito ang dami-daming kong naaalala noong aming kabataan at heto ang ilan sa kanila.


1.) Paglilinis ng nitso - isang linggo bago mag-undas pumununta kaming magpipinsan sa sementeryo. Dahil medyo malayo kami sa sementeryo sa owner ng Tiyo kami lahat sakay. Siksikan kaming magpipinsan tapos ang November panahon ng tag-ulan sa Pinas kaloka ang lubak sa kalsada papuntang Brgy.Malaking Pulo (andoon ang sementeryo), mas malaki pa sa jeep ang lubak.. bwwwhhahaha... kaya naman pagtumirik ang sinasakyan namin hindi uso ang pasosyal, bababa ka sa gitna ng putikan tapos magsisimula ka ng magtulak. LOL!!! jusme di pa nakakadating sa sementeryo amoy paksiw ka na sa katutulak ng sasakyan. hahaha.. Anyway, masayang maglinis ng nitso kasi nandoon lahat kyong magpipinsan, pagkatapos magpipintura nandyan ang minsan nagtatakutan pa kayo o di kaya maghahanap kayo ng mga nakakatawang pangalan ng taong namatay na... LOL!! yung tipong mahihiya ang antigo sa pangalan or yung tipong surname na ayaw mo ng balikan kung ikaw ay babae... bbwwhahaha... Procopio, Ambubuyog, Areola, Apdo, Gaylord, Panti, etc..LOL!!!! (wag sana akong isumpa ng mga kakilala kong may ganitong surname). Heto side story lang... may kaklase ako ng college ang surname Alatiit... noong unang araw ng klase sabi ng Prof namin.. ALATITI.. bbbwwwwhahahha... gusto ng isumpa ng kaklase ko ang Prof namin. hahaha...


2.) Pangangaluluwa - oh bago sa pandinig? hehehe.. meron ganyan sa amin. Kung tuwing pasko may caroling pag undas pangangaluluwa ang tawag. Parang ganito ang kanta: ♫Kaluluwa'y kalulumpit, magsaing ka nang malagkit...♫ palimos po!...  bbwwwhahaha... basta ganyan.. paulit-ulit lang ang kanta sa bahay-bahay... masaya ito para sa mga bata kasi ilang tulog lang pwede na ulet silang mag-caroling kasi mag-papasko na. hahahaha... Anyway, may mga matatanda din na gumagawa nito at excited lagi ako kasi si Inay kilala nya lahat nga mga nangangaluluwa.. Iyan si ganito, anak ni ganyan, apo ni mamay ganun, inaanak yan ni tiyo garine.. LOL!!! Tapos sasabihin pa ng mga nangangaluluwa... Aba'y Ate Esing iyan na ga ang bunso ninyo? Aba'y na paka-gwapo eh. LOL!!! **i-anggat ang sariling upuan.*  bbwwwwwhahahaha!!! Anyway malaki din ang kinikita naming mga bata dito.. tig-50 pesos din cguro... kaya pagbalik namin sa school... ay pasosyalan na... may 50 pesos kami. hehehehe... oist wag kayong ano dyan... Elementary ako 2pesos ang pinakamalaki kong baon noong grade 6 kaya pag may pipte (fifty) ka... shalan yan!


3.) Suman - hindi kumpleto ang undas sa amin kung walang suman na magka-akap. hehehehe... Kasi mga September-October panahon ng tag-ani ng palay sa amin. So kasama malagkit na palay sa inaani kaya mayayaman ang mga tao sa amin sa kanin pag ganitong panahon. hahaha.. pero buong taon yan... so tipid-tipid din sa kanin. hahaha.. anyway.. hindi ko talaga maisip kung anong association ng suman tuwing undas sa amin. basta UNDAS may suman... si inay bumibili pa yan ng SANGKAKA (ito yung asukal na korteng bao ng niyog na sobrang laki). hehehe... hindi ko maisip kung bakit gustong gusto ko ito compare sa normal na asukal. lol... pag-hinihiwa na ng inay ang sangkaka lagi akong kumukuha ng isang portion nito tapos sisipsipin ko.. hahahaha.. halos matanggal ang ngipin sa sobrang tamis. Ay, pagnagawa na ang kalamay-hati (sawsawan ng suman) ay napagkasinarap eh! :D


4.) Kandilang Binilog - pagsapit ng araw ng mga patay at naiwan ka sa bahay pinaka loser ka neng... kasi lahat ng mga kalaro mo pagbalik galing sementeryo palakihan sila ng kandilang binilog. LOL!!! aminin nyo ginawa ninyo din ito. hehehe... jusme lahat na ng nitso inaabangan namin kung sinong aalis tapos kukunin namin ang patak ng kandila at pagsasamasamahin hanggang mabilog. hahahaha...imagine ang init-init pa ng pantak ng kandila kinukuha na namin agad-agad. hahaha.. tapos compare kaming mga bata kung sino ang may pinakamalaking kandilang nabilog. hahaha... Yung ibang pamilya mga KJ ayaw agad umalis sa nitso nila hanggang di pa nauubos lahat ng kandila at wala na kaming makuhang pwedeng isama sa binilog na kandila. hahaha... After naman ng undas di ko naman alam kung saan gagamitin ang binilog na kandila... hahahaha.. wala lang display sa bahay... dust collector!!! bbbwwwwhahahaha...


5.) Magandang Gabi Bayan - sa mga umabot ng magandang gabi bayan... di kumpleto ang undas ng mga pinoy kung walang mga nakakatakot na episode ng MGB ni Kabayan. hahaha... ewan ko ba kung bakit kami manunuod nito tapos takot na takot naman kami pagkatapos.. yung tipong unahan kami sa pagtakbo paguwi ng bahay kasi wala kaming TV.. hehehe.. nakikinuod lang sa kapitbahay.. hahahaha... so paglabas pa lang ng bahay ng pinsan namin... halos madapa kami katatakbo paguwi... yung tipong walang tingin-tingin sa daan kesehodang tae ang iyong matapakan. hahahaha...


Yun lang muna ang aking kwentong Undas. hehehe.. sa mga kapamilya naming namayapa na... juicecoloured... wag na kayong babangon ha... dyan lang muna kayo.. hintayin nyo na lang kaming humiga na lang pagdating ng tamang panahon.. wag nyo na kaming takutin okay?  LOL!!!


#undas
#arawngmgapatay
#kwen2niernie

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin