Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Disyembre, 2018

Mamasko po

Magpapasko na naman. Iba na ang simoy ng hangin sa paligid. Alam ko namang hindi umuulan ng nyebe dito sa kung saan ako nakatira ngayon, pero sa tuwing sasapit ang kapaskuhan nag-iiba ang simoy ng hangin. Ito nga siguro ang hiwaga ng pasko. Ang ngiti ng mga tao sa paligid na kahit hindi naman Kristiyano ay nandoon ang sigla sa kanilang mga mata na paparating na ang pasko. Habang ako ay naka-upo sa isang sulok at minamasdan ang paligid bigla akong natigilan: Kailan ba ako nagpasko kasama ang aking tatay, inay, at mga kapatid? Sa isang iglap bigla akong dinala sa panahon ng aking kamusmusan. Naalala ko pa dati noong bata pa kami na tuwing sasapit ang Disyembre araw-araw kaming nag-ka-karoling ng mga pinsan ko. Iisa-isahin namin ang mga bahay sa aming purok na pawang mga pinsan din naman namin. Hindi mahalaga kung tama o mali sa tono ang pagkanta basta ang importante kakanta kami ng walang humpay hanggang abutan kami ng piso o minsan pagsinusuwerte may limang piso. Uulitin namin ito...