Ugat ng lahat ng kasamaan
Noong bata pa ako laging kong nadidinig na ang pera daw ang ugat ng lahat ng kasamaan sa mundo. Kasi pag may pera ka magagawa mo ang lahat ng gusto mo: ang luho, ang pagiging ganid o makasarili, mapagmataas, at kung anu-ano pa. Totoo naman di ba? Minsan ang tao pag naging mayaman o mapera nagbabago talaga ang ugali, marahil sumasabay sila sa agos ng buhay. Noong mga nag-daang buwan, ewan ko pa parang hindi ito mawala-wala sa isip ko. Pakiramdam ko kasi sa panahon natin ngayon hindi na pera ang ugat ng lahat ng kasamaan. Marami na tayong nakikita o kilala na mayaman na ginamit ang kanilang pera para makatulong sa mga mahihirap, tumutulong para sa komunidad, tumutulong para mapa-angat ang estado ng buhay ng ibang tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng scholarships sa mga kabataang hindi makapag-aral dahil sa kakulangan ng pang-matrikula, pagbibigay ng mga aklat o computer para sa mga eskwelahan na hindi nabibigyang pansin ng gobyerno, may mga NGOs tayo para sa pagpapatayo ng mga bahay ...