Ugat ng lahat ng kasamaan
Noong bata pa ako laging kong nadidinig na ang pera daw ang ugat ng lahat ng kasamaan sa mundo. Kasi pag may pera ka magagawa mo ang lahat ng gusto mo: ang luho, ang pagiging ganid o makasarili, mapagmataas, at kung anu-ano pa. Totoo naman di ba? Minsan ang tao pag naging mayaman o mapera nagbabago talaga ang ugali, marahil sumasabay sila sa agos ng buhay.
Noong mga nag-daang buwan, ewan ko pa parang hindi ito mawala-wala sa isip ko. Pakiramdam ko kasi sa panahon natin ngayon hindi na pera ang ugat ng lahat ng kasamaan.
Marami na tayong nakikita o kilala na mayaman na ginamit ang kanilang pera para makatulong sa mga mahihirap, tumutulong para sa komunidad, tumutulong para mapa-angat ang estado ng buhay ng ibang tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng scholarships sa mga kabataang hindi makapag-aral dahil sa kakulangan ng pang-matrikula, pagbibigay ng mga aklat o computer para sa mga eskwelahan na hindi nabibigyang pansin ng gobyerno, may mga NGOs tayo para sa pagpapatayo ng mga bahay para sa mga mahihirap tulad ng Gawad Kalinga (GK), mga organisasyon na tumutulong sa pagkalinga ng mga mahihirap, matatanda, maging hayop o maging sa Inang Kalikasan.
Maaring hindi lahat ng mayaman ay tulad ng aking nabanggit pero ang gusto kong sabihin ay may mga taong may sapat na kakayahan na tumulong para sa kapwa ang tumutulong para maitaguyod ang buhay ng ibang tao.
So, ano nga ba ang ugat ng kasamaan?
Sa panahon natin ngayon na ang teknolohiya ay lubusang gumagalaw sa kahit anong antas ng
pamumuhay sa ating pamayaman, ang nakikitang ugat ng kasamaan ay ang INGGIT.
Halos lahat ng tao hindi lang sa Pilipinas, ang bawat isa ay nakaka-konekta sa "Social Media". Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang sinusundan (follow), maging sikat na personalidad tulad ng artista (baretto siblings is that you?) , musikero, politikong kurakot, crush mo noong high school, teacher mong nagbagsak sa'yo, dati mong jowa, kabigan mong iba't ibang jowa, world travellers mong kaibigan, o kahit ang mahadera mong kapitbahay.
Araw-araw, pag-bukas pa lang ng ating mata, halos lahat sa atin ang unang titingnan ay ang Facebook, Instagram, Twitter, Snapshot, etc na social media. At ang aga-aga INGGIT ang unang papasok sa ating isipan:
- Makikita mo ang kaibigan mong nag-weekend get-away sa isang resort. INNGIT
- Nakita mong ikinasal na ang kabigan mong pangit. INGGIT
- Nagkajowa na ang ex mo. INGGIT
- Nagtravel ng ibang bansa ang kaibigan mo. INGGIT
- May bagong LV bag ang kapitbahay mo. INGGIT
- May bagong car ang High School classmate mo. INGGIT
- Buntis na naman ang kapitbahy mo samantalang ikaw wala pang anak. INGGIT
- Successful ang MLM (multi-lvel marketing) ng kaibigan mo. INGGIT
- Kumain sa masarap na restaurant ang mahadera mong kapitbahay. INGGIT
- Shopping spree ang kaibigan mo na regalo ng kanyang husband. INGGIT
- May pabulaklak or dinner date ang jowa ng kaibigan mo. INGGIT
- Na-promote ang classmate mo dati na nangongopya lang sa'yo. INGGIT
- Nakabili ng condo ang kaibigan mo. INGGIT
Ilan lang yan sa mga bagay o pangyayari na ikina-iingit natin. Minsan sa halip na matuwa tayo para sa kanila, pinag-iisipan pa natin ng masama ang mga taong nagtatagumpay. Hindi ba pwedeng maging masaya lang tayo para sa kanila? Hindi naman lahat ng bagay na nangyayari sa paligid natin ay kailangan mangyari din sa atin. Hindi lahat ng gusto natin ay ating makukuha. May mga bagay na para sa atin at may mga bagay na makakabuti para sa ibang tao. Maaring nakikita lang natin ang mga bagay na gustong ipakita ng tao sa "social media" pero sa likod ng bawat larawan, live streaming videos, etc. ay may nagkukubling lungkot sa taong iyon.
Minsan, ang INGGIT ay nakakamatay. Maaring hindi natin physically sinasaktan o pinapatay ang tao pero sa isip at puso natin ay patay na yung taong kinaiingitan natin.
Ang INGGIT ang pumapatay sa ating kaisipan. Ito ang nagtatanim ng lungkot at pumapawi ng saya sa ating buhay. Minsan subukan mong huwag mainggit sa nakikita mo sa social media. Maging masaya ka lang para sa mga taong nakita mong nakaka-aangat sa'yo. Minsan hindi lahat ng bagay na nakakapagdulot ng saya ay nasa loob ng maliit na parisukat na "smart phone" mo. Baka naman kailangan ibaba muna at tumingin sa paligid. Huminga ng malalim at langhapin ang malamyos na ihip ng hangin.

Mga Komento