Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Nobyembre, 2019

Pamayanan sa paligid ng Mababang Paaralan ng Laurel (tanong 1985-1990)

Paalala: Ang inyo pong mababasa ay may konting kahabaan, maaring hindi inyo ito magustuhan pero yung mga taong naranasaan ito sa kanilang buhay alam ko matutuwa sila.  Pag-iniisip ang 1985, parang kailan lang, pero pag-binilang ko, OMG!!! 30-35 years ago na pala yun!!??? Ang bilis-bilis ng panahon. Matanda na talaga ako. hahahaha!! Anyway, ngayong araw na ito, iguguhit ko sa inyong isipan ang hitsura ng pamayanan sa paligid ng mababang paaralan ng Laurel (Tanauan, Batangas) noong taong 1985-1990 (higit-kumulang). Gusto kong ikwento ang lugar na ito dahil balang araw makakalimutan ng madaming tao ang hitsura ng lugar dahil sa lahat ng mga pagbabagong nagyayari sa paligid nito. Minsan iniisip ko kung ano ang hitsura ng lugar namin noon 1900, wala naman akong makitang larawan o kahit anong nailathala kaya sisimulan ko sa panahon na aking naaalala para pagdating ng panahon may babalikan ang mga tao. Halina't samahan ninyo akong magbalik tanaw sa baryo ng aking kinalakhan. Sis...