Pamayanan sa paligid ng Mababang Paaralan ng Laurel (tanong 1985-1990)
Paalala: Ang inyo pong mababasa ay may konting kahabaan, maaring hindi inyo ito magustuhan pero yung mga taong naranasaan ito sa kanilang buhay alam ko matutuwa sila.
Pag-iniisip ang 1985, parang kailan lang, pero pag-binilang ko, OMG!!! 30-35 years ago na pala yun!!??? Ang bilis-bilis ng panahon. Matanda na talaga ako. hahahaha!!
Anyway, ngayong araw na ito, iguguhit ko sa inyong isipan ang hitsura ng pamayanan sa paligid ng mababang paaralan ng Laurel (Tanauan, Batangas) noong taong 1985-1990 (higit-kumulang). Gusto kong ikwento ang lugar na ito dahil balang araw makakalimutan ng madaming tao ang hitsura ng lugar dahil sa lahat ng mga pagbabagong nagyayari sa paligid nito. Minsan iniisip ko kung ano ang hitsura ng lugar namin noon 1900, wala naman akong makitang larawan o kahit anong nailathala kaya sisimulan ko sa panahon na aking naaalala para pagdating ng panahon may babalikan ang mga tao.
Halina't samahan ninyo akong magbalik tanaw sa baryo ng aking kinalakhan.
Sisimulan ko ang kwento pagdating sa kanto ng outpost pagkagaling sa nayon. Isipin mong nakaharap ka sa bundok ni Maria Makiling. Sa kaliwa, dito ang daan papuntang pookan, nasa tabi din nyan ang malaking puno ng camatchile at sa may bukid nandoon naman ang malaking puno ng sampalok. Sa kanan o derecho mo naman, nakatayo ang outpost sa tabi ng puno ng talang o mabolo at mangga. Sa gilid nito ay damuhan kung saan kalimitang naka-suga ang mga baka at kambing.
Pagnilakad mo papuntang pookan, sa may tabing daan ay maraming puno ng bayabas, may maliit na daan sa pototo (walkway) na nagsisilbing short-cut ng mga batang papasok sa Laurel. Sa maliit na daan, may mga puno ng niyog na nakahilera tapos mga tatlo o apat na puno ata, pagkalagpas mo naman ay puro puno ng bayabas at as-is na giangamit namin panlinis ng desk sa school tuwing biyernes. Pagdating mo sa pinakadulo ng patoto, ang tindahan ni Kakang Atang ang unang sasalubong sayo na nag-aanyayang bumili ng masarap na palamig. :)
Balik tayo kung saan nagsimula ang patoto. Pagnagkalad ka ulet ng konti, may maliit na daan naman dito. Dito namin itinatali ang ang parag-is na damo tapos yung mga nag-aaral sa Malaking Pulo ay madadapa. hahahahaha! Anyway, ang matatanaw mo dito sa daan na ito ay ang kawayanan na may katabing puno ng bayabas na may nakatirang lukot na sagana sa pulot at minsan open toilet din yan. hahahaha!!! #SaBukidWalangPapel...Tapos sa tabi nito ay may malaking punong mangga. Medyo matarik ang lugar na ito, pero paglumusong ka andun naman ang bahay nina Kakang Juana at saka nina Ate Tore sa labak. Pag ikaw naman ay kumanan, dadaan ka sa balag at madaming puno ng sinigwelas at derechong bahay nina Tiya Cely. Pagumahon ka sa kabila ng labak, andoon ang bahay nina mamay Ipe at Tiya Taning.
Ang harapan nina Tiya Cely ang isang tambayan ng mga bata. Parang ito ang gathering ground namin noon. Pagpasok mo sa tarangkahan ng bahay nila may malaking puno ng camachile na kalimitan ay may malalaking tuko at saka mga puno ng kawayan na minsan ay may malaking ahas. LOL!!! Masarap tumabay dito kasi may mahabang upuan sa sulambi ng bahay nila na kalimitan ay dito kami natutulog pagkatapos maglaro.
Pagkalagpas mo ng bahay nina Tiya Cely, sa kaliwa ay papuntang labak na puro puno ng kape at derecho ito sa bahay nina ate Tore na may puno ng kalamyas sa harapan ng bahay. Sa harapan naman nito ay ang bahay nina kakang Juana na puno ng madaming bayabas sa likod ng bahay.
Galing sa bahay nina Tiya Cely, pag ikaw ay kumanan ang makikita mo ay ang bahay nina Nanay Osay at Mamay Indo (Tito Angel ngayon yang bahay). Puno ng star apple o caimito ang sasalubong sa'yo sa tabi ng kural ng baboy. Ang bahay nina Nanay Osay ang tambayan ng buong angkan sa tuwing sasapit ng gabi. Dalawang palapag ang bahay nila. Ang ilalim ay silong pero doon sila natutulog at doon din kami nagtatago pag naglalaro kami ng taguan. May malaking sulampi ang bahay nila kung saan pagsapit ng ala-sais ng gabi lahat kami ay andun; bata, matanda as in buong angkan dahil pang kuryente noong 1985 sa amin. Sa harap ng bahay nila andun ang puno ng bayabas sa tabi ng kaway-kawayanan na toilet ng mga lalaki. LOL!! Hindi ko alam kung bakit pero automatic kahit sinong bisita o kahit sino pag-naiihi dun ang punta. LOL!!! parang mga aso lang. :D
Ang harapan ang playgroud ng lahat dahil nakapalibot dito ang bahay ng mga Nanay Itang (ito yung bahay ng Tiyo Fiscal) at ang bahay namin. Ang harapan ang naging saksi ng aming kabataan.
Anyway, sa tabing bahay nina Nanay Osay ay may puno ng langka, andito ang lumang daan papuntang labak sa bahay nina Kakang Atang. Puno ng talang at maraming fern na damo ang makikita mo dito. Pagdating mo sa labak may dalawang malaking puno ng caimito na paborito naming akyatin noong bata kami tapos papagalitan kami ni Kakang Atang. hahahaha.. kasi nauubos namin ang hinog na caimito. Sina Kakang Atang lang ang may malakas na amplifier noon (turntable) pero ang tawag ko dito noon ay Pearly Shell kasi yun lagi ang pinatutogtog. hahaha!!! :D
Sa harap ng bahay nina Nanay Osay ay ang bahay ng Nanay Itang. Malaki ang bahay ng mga nanay (lola). Sa harap nito ay may malaking puno ng Langka na nakadikit sa may haligi at bubong. Kulay pula ang pintura ng may bubong at ang bahay ng mga nanay lang ang sementado noon. Naroon din ang lumang owner ng Tiyo (Fiscal) na laging nakaparada at sa kwarto ng tiyo kami naglalaro ng wrestling kasi ang kwarto lang ng tiyo ang may kutsyon. Ang bahay lang din ng mga nanay ang may TV na nakakabit sa battery ng owner jeep ng tiyo.
Sa tabi ng puno ng langka andun ang puno ng atis. Dito ako natutong bumitin ng patiwarik. hahahaha.. Bago ako dumerecho pauwi ng bahay. Puno ng bayabas ang una mong makikita na may mga baras haring mga halaman. Tapos may malaking Calachuci na puno sa may malapit sa puno ng chico at niyog. May ilang puno ng kape sa tabi ng malaking puno ng anunang at doon nangingitlog ang mga manok. Sa likod ay may puno ng niyog, avocado, kalamyas, kape at guyabano. Ang bahay namin ay yari sa kawayan (naikwento ko na ito sa isang entry ko. hehehehe.)
Sa pagitan ng bahay namin at mga nanay Itang, derecho ka naman sa bahay nina Tiya Nene. Ito ang pagupitan ng angkan. hahaha.. Si tiyo Atring ang taga gupit sa lahat. Yari din sa kawayan ang nila. Yung kanilang kainan ay open concept ang peg. LOL!! lakas maka-mayaman pakinggan pero ang totoo nyan, open na open talaga.. walang dingding. hahahahaha.. :D pagkumain ka... kita ka ng buong barangay. LOL!!!
Pag-dumaan ka sa may chico sa tabi ng bahay namin derecho ka sa bahay nina Tiyo Tonying. Hindi ko maalala ang tawag sa puno na may kulay dilaw na maliliit na bunga na paboritong kainin ng mga ibon sa tabi ng santol. hahaha!!! Sa may harapan ng bahay nila ay may puno ng langka. Sa likod at tabi ng bahay nila ay may malaking balag, na madaming kamote at saka gabi. :D Pagnaglalaro kami ng luto-lutuan ay dito kami naghuhukay ng kamote. Sa tabi ng daan papuntang " Brgy.Punta", may malaking puno ng mangga at kalamyas sa may balag nina Nanay Osay.
Balik tayo sa harapan nina Nanay Osay, sa may trangkahan, may puno ng santol at sampalok sa pagitan ng daan at saka puno ng mabolo sa may tabi ng kawayan sa bahay nina Tiya Cely. Sa puno ng mabolo may malaking bahay ng lukot na madami ulet na pulot. :)
Walang bahay pa noon, malawak na bukid ang makikita mo. Likod ng school ang tanging matatanaw mo at ang tindahan ni Kakang Atang.
Simula sa tarangkahan, ang tutumbukin mo ay ang tindahan ni Kakang Atang sa tabi ng puno ng dapdap at may hilerang puno ng niyog na maraming punso kaya pagkumulog ang daming kabute. :)
Paglumakad ka ng konti simula sa tindahan ni kakang Atang, andun ang lumang poso kaso mabilis maubusan ng tubig. Ang hirap magtiwas. hahahaha.. sa may tabi ng poso naman ang stage ng school. Dito kami naghahabulan ng langit at lupa at minsan nanghuhuli ng butiki. Ang pader ng school ang nagsisilbing tulay namin pagnalalaro ng habulan ng langit at lupa. Pagkatapos ng stage ay dalawang puno ng narra, pagkatapos ay puno ng mangga, dito kami laging naglalaro at nag-aaway ni Jennielene. hahahahahaha.. (love you Nane). Ang puno ng mangga ang pinaka-kanto ng daan ng Laurel at daan papasok sa compound ng mga Tercero.
Ang malawak na ground ng school ang nagiging swimming pool namin pagbumabaha. hahahahaha.. :D may basketball court na ang sahig ay alikabok. LOL! Amin lang ang rooms sa school noon. Kaya alam mo ang Grade1-6 na room.
Balik tayo sa outpost. So kanina, binaybay natin ang kaliwa, ngayon naman ay baybayin natin ang kanan or derecho. Pagnaglakad ka, malawak na bukirin ang ang makikita mo at tanaw mo ang bundok ni Maria Makiling. May puno ng duhat at kaligas sa pagitan ng daan bago ka makarating sa may kanto papasok sa compound ng mga Tercero. Yung puno ng kaligas ay mayroon ding nakatirang lukot. LOL!!! So ngayon nagiisip ako kung ano ang english ng lukot.. hindi naman sila honeybees kasi kulay itim sila na maliit na pagkinagat ka ay makati at may konting sakit at kung dumapo sa buhok mo sobrang lagkit. magdidikit-dikit ang buhok mo... (may buhok po ako dati kaya alam ko) hahahahahahaha..
Yung bahay nina kuya Jaime ata sa harap ng school parang mga late 80's or early 90's na naitayo dun kasi naaalala ko si Nane noong saling-katkat kmi 1986 sa labak pa siya nang-gagaling tapos laging maganda ang damit na maldita. bbbwwwhahhaahhahahaha... super love you Nane. hahahahaha.. alam mo yan.. for sure tatawa ka dito pag nabasa mo ito dahil totoo yan.. hahahahaha. :)
Pagnalakad ka after ng gate ng school, ang dating daan papuntang silangan ay derecho lang at makikita mo ang puno ng sampalok sa gitna ng bukid na naghihiwalay sa sinasaka ni Tiyo Nano (asawa ni Tiya Cely).
Paglumiko ka papuntang "Brgy. Punta", babaybayin mo ang bukid nina Kakang Daming (asawa ni Kakang Auring). May mga sapinit na damo dun tapos medyo paahon ng konti sa bukid nila na may malaking puno ng santol at madaming bayabasan at sinegwelas na puno.
Pag-derecho mo pa ulet, nasa likod ka ng Grade5 at Grade4 na room ka.. dito ako sinipa ng baka, may blog ako dito na ang title ay Hit me baka one more time.. hahahahhaha.. yung tinusok ko pwet ng baka. hahahahahahaha.. Sa dulo ng school may puno ng duhat na kinatatakutan naming lahat dahil sabi nila doon daw inilibing ang mga tao noong panahon ng Hapon.
Sa tapat ng duhat may puno ng santol, papuntang silangan ay may puno ng padira.
Yung multi-purpose hall ngayon dating mataas na lugar yun na doon kmi naglalaro ng slide at may puno ulet ng may dilaw na maliit ang bunga. lol.. nalimutan ko na ang tawag.. kaya dapat talaga sulatin ko na ito..hahaha.. baka lalo kong malimutan ang lahat... hahahahaha.
Pagkatapos nun, may puno ng niyog kakwate at saka malaking dapdap, sa kabilang side naman ay bukid at saka yung balag ng inay na may tanin na mga sinegwelas.
Konting lakad pa at andun ka na sa puno ng manga. Dito tumitigila ng jeep ni Tiyo Manding na anak ni Mamay Idong para ibaba ang mga nagtitinda na galing sa Bina, Laguna at kasama dito ang inay.

Mga Komento