Pasko sa aming Nayon
Malapit na ang Pasko. Naalala ko tuloy noong aking kamusmusan tuwing sasapit ang kapaskuhan sa aming nayon. Charness!!! MMK ang peg?? Oh well, walang paki-alamanan... kanya-kanyang emote ngayon lalo na't lumabas na ang Christmas kyeme ng Disney... Jusme... ilang luha kaya ang nailabas ng mga OFW dahil sa simpleng animation na yun??? siguro sapat na para lumubog ang kahabaan ng Espana from Rotonda all the way to Quaipo underpass. LOL!!! Yung mga nag-aral sa University belt for sure makaka-relate sa baha sa Espana... Anyway, sa ganitong panahon ramdam mo na ang simoy ng kapaskuhan. Malamig at malamyos ang simoy ng hangin sabay sa saliw ng pamaskong awitin ni Tito Joe... toroy!!! aminin mo unang kantang pumasok sa isip mo ay Christmas in our Heart... hahaha!!! Anyway, ang mga bahay na kahit payak ay pilit gagayakan na kahit simpleng parol para magbigay kinang sa mga mata ng bawat batang nagaabang sa pagsapit ng kapaskuhan. Davah!! Star ng Pasko ang peg. May mga ilang bagay ang ...