Pasko sa aming Nayon
Malapit na ang Pasko. Naalala ko tuloy noong aking kamusmusan tuwing sasapit ang kapaskuhan sa aming nayon. Charness!!! MMK ang peg?? Oh well, walang paki-alamanan... kanya-kanyang emote ngayon lalo na't lumabas na ang Christmas kyeme ng Disney... Jusme... ilang luha kaya ang nailabas ng mga OFW dahil sa simpleng animation na yun??? siguro sapat na para lumubog ang kahabaan ng Espana from Rotonda all the way to Quaipo underpass. LOL!!! Yung mga nag-aral sa University belt for sure makaka-relate sa baha sa Espana...
Anyway, sa ganitong panahon ramdam mo na ang simoy ng kapaskuhan. Malamig at malamyos ang simoy ng hangin sabay sa saliw ng pamaskong awitin ni Tito Joe... toroy!!! aminin mo unang kantang pumasok sa isip mo ay Christmas in our Heart... hahaha!!! Anyway, ang mga bahay na kahit payak ay pilit gagayakan na kahit simpleng parol para magbigay kinang sa mga mata ng bawat batang nagaabang sa pagsapit ng kapaskuhan. Davah!! Star ng Pasko ang peg.
May mga ilang bagay ang naglalaro sa aking mumunting kaisipan na pilit bumabalik tuwing sasapit ang ganitong panahon. Mga alaalang masasabing who-mo-vogue (humubog) sa kung ano ako ngayon. bweset!!! hahaha..
Christmas Tree. Wala kaming pambili ng Christmas Tree noon kaya yari sa sanga ng kahoy ang gamit namin. Pi-pinturahan ng puti tapos ilalagay sa malaking lata ng pineapple juice (regalo tuwing fiesta ay pineapple juice) at pupunuin ng bato para hindi matumba ang sanga. Nakasabit ay mga kendi tulad ng Viva, Stork, Kendi Mint, at Lips. Kadalasan bato ang laman dahil hindi sapat ang pambili ng kendi kay kakang Atang na tindahan. LOL!!! Kaloka pagbukas mo ng kendi wrapper, bato ang laman.. Ano yan.. sisigaw ka ng Darna!!! juicecoloured!!! Yung iba namang balat ng kendi ay gagawing bulaklak... davah!! shalan.. :)
Parol. Halos lahat ng bahay ay may mga parol, dahil ginagamit namin ito sa Field Day sa school tuwing December. Yari sa kawayan, at creep paper, tapos isasabit namin sa bubong ng school. Yung may mga pambili ng parol ang tawag na doon ay star (sosyal na kasi), yari sa makinang na kulay gold, red and green. Mas makinang at mas makulay, mas bongga at yayamanin. Ngayon ko lang naisip na mas makulay, mas makinang, mas charot.. hahahahaha!!!
Carolling. Dito kami kumimikita ng malaki. Kesehodang wala ka sa tono at Jingle Bells lang ang kakantahin ninyo naku may magbibigay sa inyo kahit bente singko sentemos. Pag minalas-malas lang ay deadma sa banga lang ang kapitbahay nyo tapos hahabulin pa kayo ng asong kaanak lang. hahahahaha... :D Imagine simula 01-Dec pa lang aaraw-arawin ninyo ang carolling, tapos pare-pareho lang namang bahay ang kakantahan ninyo.. hahahaha..By the time matapos ang Pasko, quota na ang pambili ng outfit sa Bagong taon at train na train na ang boses mo para sa Yearly Singing Contest tuwing 31Dec. Divang diva na ang boses mo... aka Bireterang Palaka..LOL!!!
Anyway, yun lang muna. Marami pa akong gustong isulat pero baka maborlog na kayo kababasa nitong walang kwenta-kwentang blog ko. LOL!!
Mga Komento