KOMUNIKASYON
Natatawa ako minsan sa newsfeeds ko sa FB. Kani-kanilang parinigan sa kani-kanilang walls. Kesyo ganito siya o ganito naman ang isa. When I checked their lists of friends.. eh anak ng putakti hindi naman pala sila magkaibigan... LOL!!! Marami sa atin ang ganito... kung ano-anong pasaring ang i-po-post as if naman ang babasa ng kanyang pinatatamaan ang kanyang post... Parang ganito ang nangyayari; pilit mong kinakausap ang bingi pero hindi ka naman madinig... Bakit hindi mo kaya tawagan o kausapin ng personal ang taong iyong pinaparinggan? Siguro mas madidinig ka nito kesa kung anu-anong kuda ang i-po-post mo sa FB. Ano bang reasons mo para mag-post ng kung anu-ano against sa isang tao? the more likes, the more share, the more comments it means ikaw ang tama? o baka naman pa-play victim ka? yung tipong gusto mong kaawaan ka ng ibang tao na hindi naman alam ang buong katotohanan ng istorya. Malaking aspeto ng isang pagsasama maging pagkakaibigan, pagiging pamilya, o mag-asawa man yan.. ...