KOMUNIKASYON
Natatawa ako minsan sa newsfeeds ko sa FB. Kani-kanilang parinigan sa kani-kanilang walls. Kesyo ganito siya o ganito naman ang isa. When I checked their lists of friends.. eh anak ng putakti hindi naman pala sila magkaibigan... LOL!!! Marami sa atin ang ganito... kung ano-anong pasaring ang i-po-post as if naman ang babasa ng kanyang pinatatamaan ang kanyang post... Parang ganito ang nangyayari; pilit mong kinakausap ang bingi pero hindi ka naman madinig... Bakit hindi mo kaya tawagan o kausapin ng personal ang taong iyong pinaparinggan? Siguro mas madidinig ka nito kesa kung anu-anong kuda ang i-po-post mo sa FB. Ano bang reasons mo para mag-post ng kung anu-ano against sa isang tao? the more likes, the more share, the more comments it means ikaw ang tama? o baka naman pa-play victim ka? yung tipong gusto mong kaawaan ka ng ibang tao na hindi naman alam ang buong katotohanan ng istorya.
Malaking aspeto ng isang pagsasama maging pagkakaibigan, pagiging pamilya, o mag-asawa man yan.. ang komunikasyon ang isa sa pinaka-mabisang sangkap para maging matatag ang pagsasama... I'll rather na sabihin mo sa akin in my face na galit ka sa akin rather than nagpaparinig ka or post ka ng post ng kung anu-ano sa FB. Why don't you just pick up your phone and dial his/her number.. jusme ang dami mo ngang time kumuda sa FB.. tawagan ang kaaway mo wala kang time??? I'll rather mag-sigawan kayo over the phone atleast nadinig ka or nadinig ka nya and then settle from there.. hindi lahat ng gusto mong mangyayari ay mag-gi-give-in ang kaaway mo... so dapat meet half way.. learn how to compromise... hindi lang ikaw ang anak ng Diyos... pati ang kaaway mo.. anak din yan ng Diyos. :) so meet half way. :) okay?
So yun lang... tandaan ang FB para magbigay daan para goodvibes lang ba... at ang away... keep it to yourself... jusme ano ito... Carinderia??? gusto mo bang lahat ng tao maki-rawraw sa inyong issue??? Okay lang naman siguro mga 1 or 2 posts.. pero kung halos araw araw na.. aba'y mag-isip-isip din... ang utak nilagay sa ulo hindi para maging display lang... ginagamit yan. :)
Again... KOMUNIKASYON... tawagan mo ang taong kaaway mo... kung ang Diyos nga nagpatawad... ikaw o siya pa kaya??? ano yan??? Diyos ng Diyos?? hindi marunong magpatawad? :)
Smile lang.. please wag nyo akong i-unfriend ha.. hahahahaha.. :) kung tinamaan ka/kayo.. ang layunin ko lang ay magka-ayos kayo... yun na!!! BOW!!!!
Mga Komento