Labadami Labango
Naalala ko dati noong bata pa lang ako walang washing machine sa amin, jusme noon pupunta ka sa ilog na maglalakad ka ng kilo-kilometro dala mo ay sakong maduming damit tapos nakabilad ka sa init ng araw... kumusta naman ang kutis artista??? eh di ITA... Ulikba... Nognog... Sunog... Uling... lahat na ng pwede mong itawag ganun ang hitsura namin noong bata kami. Noong nag-college na ako sa Manila, syempre boarding house na ang drama natin... may faucet na... hahahaha... wala ng ilog ilog.. isang ikot ng faucet naghuhumiyaw na ang tubig.. ganern... pero wag ka... kamay pa din ang gamit sa paglaba... LOL!!! Imagine maglalaba ka ng weekend ng lahat ng damit mo.. jusme... pagkatapos mong maglaba sugat ang dalawang kamay... promise walang halong etchos... as in sugat... daig mo pa ang naglaslas ng pulso... LOL!!! So weekend sugatan ang kamay mo... by the time mag-Friday tuyo na lahat ang sugat... tapos weekend na naman.. LOL!!! eh di sugat na naman... hahaahhaha.. ganoon talaga ang buha...