Labadami Labango

Naalala ko dati noong bata pa lang ako walang washing machine sa amin, jusme noon pupunta ka sa ilog na maglalakad ka ng kilo-kilometro dala mo ay sakong maduming damit tapos nakabilad ka sa init ng araw... kumusta naman ang kutis artista??? eh di ITA... Ulikba... Nognog... Sunog... Uling... lahat na ng pwede mong itawag ganun ang hitsura namin noong bata kami. 

Noong nag-college na ako sa Manila, syempre boarding house na ang drama natin... may faucet na... hahahaha... wala ng ilog ilog.. isang ikot ng faucet naghuhumiyaw na ang tubig.. ganern... pero wag ka... kamay pa din ang gamit sa paglaba... LOL!!! Imagine maglalaba ka ng weekend ng lahat ng damit mo.. jusme... pagkatapos mong maglaba sugat ang dalawang kamay... promise walang halong etchos... as in sugat... daig mo pa ang naglaslas ng pulso... LOL!!! So weekend sugatan ang kamay mo... by the time mag-Friday tuyo na lahat ang sugat... tapos weekend na naman.. LOL!!! eh di sugat na naman... hahaahhaha.. ganoon talaga ang buhay parang life... LOL!! 

Anyway, 2005 ako nagsimulang mag-OFW sa Singapore... davah.. ang bata bata ko pa... imagine I was like 25years pa lang that time talagang pagpinatutugtog ang Babalik ka rin ni Gary V... isa ako sa lumuluha noon.. hahahahaha... kaloka ang homesick... Anyway, dahil Singapore na ako.. haller... hindi na kamay kamay ang labanan this time... may pa washing machine na si mayor... hubad si damit lagay sa washing machine... konting soap... konting pindot... viola... aariba letran na ang washing machine... walang kusot kusot.. pagkatapos... sampay sampay na lang... shalan!!! well, ganun talaga pag nakakaluwag-luwag na... hahahahaha.. :) haller.... only belo touches my skin ang peg ko that time... yayamanin na... 

So ganito na nga... noong bago ako sa Sengkang (Singapore) kasama ko that time si Hansel... after few months may bago na kaming kasama sa bahay ni kuya... ang mag-asawang Reggie and Vangie. So sa masters bedroom silang mag-asawa then kami ni Hansel tig-isang common room... Noong kami naman ni Hansel walang problema sa bahay... ewan ko ba ng dumating itong mag-asawang ito may balat ata sa pwet... hahahahahaha... (REGGIE and VANGIE wag ninyo akong ipa-barang sa Quiapo) hahahahaha!!! joke lang.... 

Alam naming luma na ang aming washing machine... i think 1940 edition ata itong iniwan sa bahay namin... hahahahahaha.... by the time na lumipat ang mag-asawa may konting problema na ang aming washing machine.. minsan tumitigil pero okay pa naman... 
- Nagsimula sa pagtigil then after 1-2mins tatakbo naman ulet... so kemverlou kaya sabi namin sige push lang... 
- After few days... after tumigil at tumakbo ng few minutes... kailangan mo pang i-ikot ng konti ang whirlpool. LOL.. parang konting tulong para magtuloy-tuloy ang ikot. 
- Ang sumunod neng ayaw ng umikot at all... as in kailangang bukas ang washing machine tapos kailangan mong manually paikot-ikutin... ANO ITO??? parusa???? nagbabayad kami ng kuryente tapos manually pa namin iikot... jusme dapat na-inform agad kami ng maaga para di na lang kmi mag-bayad ng gym membership tutal pagkatapos mong maglaba.. ang laki laki na ng braso namin sa kakaikot ng washing machine. 

Oh davah.. ilang linggo naming pinagtyagaan yan... ilang beses namin sinabihan ang owner pero walang time.. walang time... Okay fine mabait naman kami... so heto na... isang araw dumating ang may ari.. praise god.. may new washing machine na kami... pagbukas ng likod ng sasakyan... shotang inetch muntik na akong mag-carthwheel sa harapan ng owner ng makita ko ang dalang washing machine... hahahahahahahaha... neng kung 1940 edition ang aming gamit na washing machine ang ipinalit naman mga 1920's tapos yung tipong pinulot lang sa labas ng bahay dahil spring cleaning na ng kapitbahay at nagtatapon na ng old na gamit... JUSME LORD!!!! Ok fine.. tanggapin na natin ito kasi wala naman talaga kaming choice at sabi naman ng mayari gumagana.. hahahahaha... 

Fair enough mga 1 week ang saya saya ng buhay namin.. yayamanin na naman kami dahil sa 1920's na washing machine... pero heto na after a week.. jusme TUMIRIK na naman ang aming washing machine.. hahahahahahahaha... as in lahat na ng pwede naming gawin ginawa na namin.. manual paikot, on and off.. etc... to the point na isang piraso na lang ng damit ang lalabhan ayaw pa ding umikot.. hahahahahahahaha... tapos ang pinakamalas sa lahat pati ang dryer ayaw na din umikot... hahahahahahahaha... tapos ang nilabhan pa namin that time ay kobre kama... potah!!! hahahahahaha... imagine kung gaano kabigat ang kobre kama tapos hindi na-spin dry... in the end sinampay namin sa loob ng kusina kasi wala naman sampayan sa labas ng bahay sa Singapore.. hahahahah.. kaloka.. para kaming nasa Espanya sa Manila dahil baha sa loob ng bahay... hahahahahahaha... 

Anyway, ilang linggo pakikibaka ang inabot namin dun sa washing maching sa Blk 317B Achorvale Rd... Jusme hinding hindi namin ito malilimutan super classic story namin itong apat sa Sengkang... I think by the time na lumipat ako ng bahay bumili naman ata ng bago ang may-ari. hahahaha.. :D

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin