Lutrina
Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang kinalakhang mga tradisyon kahit pa sabihin natin na makabago na ang panahon ngayon ang mga bata ay may kanilang tradisyon na balang araw ay kanilang ikukwento sa mga susunod na henerasyon, maaring hindi katulad ng tradisyon na aking kinalakihan pero alam kong darating ang araw na ipagmamalaki din nila ang kanilang panahon o di kya sasabihin nilang: Noong panahon namin... blah! blah! blah! Dahil sa sunod-sunod ang mga kalamidad, digmaan, sakuna, mga sakit na kumikitil ng maraming buhay, at kung anu-ano pa; biglang sumagi sa aking isipan ang isang tradisyon na aking kina-gisnan. Lumaki ako sa baryo na kung saan ang pagbubukid ang pangunahing pinagkukunan ng aming ikinabubuhay, pero hindi tulad ng karaniwang magbubukid, kami ay umaasa sa bawat patak ng ulan dahil wala sa aming irigasyon ng tubig. Alam ng mga magsasaka kung kailan uulan at kung kailang aaraw dahil noon ay wala naman kaming "Weather app" na pwedeng magsabi sa amin kung ano an...