Ang Istorya ng aming buhay
Paano nga ba ang mangarap at mag tagumpay sa gitna ng kahirapan? Ito ang ilan sa mga katanungan namin na parang walang kasagutan noong mga panahong yaon. Hayaan ninyo ibahagi ko sa inyo ang kwento na aming pamilya. Ano ba ang naging sangkap kung paano kami nakaahon sa hirap ng buhay. Isinilang at lumaki kami sa maliit na barangay na kung tawagin ay Laurel sa pagitan ng dalawang Ulango (Tanauan at Calamba). Payak at masaya, masarap na mahirap, malungkot na masaya, pero kahit ilang bagyo pa ang dumating sa buhay namin lalaban kami at tatayo na taas noo dahil alam namin na wala kaming inaapakan na tao. Buklod ng pamilya ang naging susi ng aming tagumpay, sa kadahilanan ng isang paniniwala ng aming mga magulang na ang pagsama-sama ng mga pusod namin ay magsisilbing alala na hindi mawawala o mapuputol ang pagmamahalan at koneksyon ng buhay namin sa isa’t isa, respeto at pagmamahalan sa kapwa at higit sa lahat may takot sa Diyos. Hindi naging mabait ang tadhana sa amin noong nagsisimula pa l...