Ang kahinaan ng Panginoon
Matagal na tagal na din akong hindi nakakasulat, marahil dahil abala sa mga bagay bagay. Isa din marahil ay pakiramdam ko, naibahagi ko na lahat ang halos ang aking kwento o minsan naman ay walang pumapasok na inspirasyon sa aking isipan. Ang paglikha ng isang malayang sulatin ay kailangang umusbong sa iyong isipan sa pamamagitan ng inspirasyon, kung walang inspirasyon, walang magandang akda ang maililimbag. Habang ako'y nagaayos ng aking pananim sa aking hardin, biglang umusbong ang inspirasyon. Natanong ko ang aking sarili, tunay nga kayang walang kahinaan ang Panginoon? Dahil Diyos siyang tunay, wala ba talagang makikitang kahinaan ang Diyos? Yaon ang mga katanungang bumabagabag sa aking isipan, at ako'y biglang natigilan sa aking ginagawa. Dagli akong nagnilay sa bagay na ito. Nabatid kong, maykahinaan ang Panginoon na siyang lakas nating mga tao at ito ay ang ating DASAL. Sa tuwing tayo'y umuusal ng panalangin sa ating Panginoon, tulad ng isang ama na nagmamahal sa k...