Ang kahinaan ng Panginoon

 Matagal na tagal na din akong hindi nakakasulat, marahil dahil abala sa mga bagay bagay. Isa din marahil ay  pakiramdam ko, naibahagi ko na lahat ang halos ang aking kwento o minsan naman ay walang pumapasok na inspirasyon sa aking isipan. Ang paglikha ng isang malayang sulatin ay kailangang umusbong sa iyong isipan sa pamamagitan ng inspirasyon, kung walang inspirasyon, walang magandang akda ang maililimbag.

Habang ako'y nagaayos ng aking pananim sa aking hardin, biglang umusbong ang inspirasyon. Natanong ko ang aking sarili, tunay nga kayang walang kahinaan ang Panginoon? Dahil Diyos siyang tunay, wala ba talagang makikitang kahinaan ang Diyos? Yaon ang mga katanungang bumabagabag sa aking isipan, at ako'y biglang natigilan sa aking ginagawa. Dagli akong nagnilay sa bagay na ito. Nabatid kong, maykahinaan ang Panginoon na siyang lakas nating mga tao at ito ay ang ating DASAL. Sa tuwing tayo'y umuusal ng panalangin sa ating Panginoon, tulad ng isang ama na nagmamahal sa kanyang anak, kahit gaano kahirap dahil hiling ito ng kanyang mahal na anak ay pipilitin niyang matupad, ganun ang panalangin, na sa tuwing tayo'y magdasal, ang pintuan ng langit ay bumubukas para magbigay kasagutan sa ating mga hiling. 

Kapatid, kung sa araw na ito ang tingin mo'y tila walang paroroonan ang iyong mga landas, huminto ko sumandali at ikaw ay umusal ng panalangin na nagmumula sa iyong puso, sabihin mo lahat ang laman ng iyong puso sa oras na ito sa ating Panginoon, alam kong ang nag-aalab na puso ng Panginoong Hesus ay tutugon sa iyong panalangin.

Pagpalain ka nawa ng Panginoon. 

"The weakness of the Lord, is the strength of man, which is PRAYER." - Renie Arcega

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin