Hidilyn Diaz, ikaw ba yan?
Dahil winter ngayon kaya dapat ang kwento natin ay tungkol sa winter.
Matapos akong makakita ng trabaho, lumipat ako from Auckland sa Taupo. (Next time kwento ko kung paano ako natanggap dito). So heto na nga, hindi naman ako na-inform na ang Taupo ay nasa tuktok ng bundok. Kung noong bago sa Auckland ay para na akong lumpiang sariwa dahil balot na balot ako, jusme pagdating ko dito sa Taupo para na akong Michelin Tyres na mascot. hahaha!!! ganun katindi ang lamig dito. LOL!
So heto na nga, meron lang akong 1 week para makakita ng bahay na titigilan ko. Jusme sa dami ng bahay dito sa Taupo ang hirap humanap ng bahay na uupahan. Tapos heto pa, noong nasa Singapore ako, paglilipat ka ng bahay, dadalhin mo lang ang maleta mo tapos pagdating mo sa lilipatan mo, kumpleto na ang gamit. Dito sa New Zealand ay hindi ganun, pagdating mo sa bahay.. kalurkey... walang anything sa loob ng balur!!! jusme paano na kung wala kang datung??? so ganun na lang sa floor ka na lang matutulog??? ang sakit sa bangs sa dami ng poproblemahin mo. Kaya karamihan sa mga pinoy uso ang Salvation Army, OP Shop at kung mababait ang mga pinoy sa town kung saan ka nakatira, minsan may mga magdodonate sayo ng mga gamit sa bahay. Kaya kung lilipat kayo ng NZ, magbaon ng pambili ng gamit sa bahay, yun ang isa kong payo for you.
Anyway, after ng pakikidigma ko sa paghahanap ng bahay, finally nakakita ako ng bahay sa Taupo. Kaloka, isang bahay, labing lima kaming pamilyang nagaagawan as in makikilala mo na ang mga kasama mong naghahanap ng bahay. Pero luckily, hindi ko talaga tinantanan ang agent ng bahay, until ibinigay nya sa akin. Noong una, choosy pa ako, sabi ko ang pangit pangit. LOL!!! Hindi naman sa nagmamaganda pero, compare mo naman sa Singapore na bahay versus Taupo... Neng aarte ka talaga sa paghahanap ng bahay. LOL!!! Ang gaganda kaya ng mga bahay sa SG pagdating ko dito sa Taupo parang gumuho ang aking pangarap... hahahaha.. joke lang. :D
Sabi ng kasamahan ko sa trabaho kunin ko na daw ang bahay, pero deep inside di ko talaga bet ang bahay and for sure di din ito ang bet ni Nali. hahahahaha... pero no choice talaga kami kaya sabi ko.. GO GO GO na!!! So heto na nga, paglipat ko sa bahay, walang anything, tapos ang lamig lamig.. literal na para kang nasa loob ng freezer. lol!!! meron namang fireplace pero kaloka kailangan ko pang bumili ng kahoy. hahahaha.. di naman ako na-inform na kailangan ko pang magsibak ng kahoy sa Taupo.. Paano na ang aking mala-porcelanang kamay na kasing lambot ng cotton??? LOL!!! So may nakapagsabi sa akin na kung ayaw ko ng fireplace may mga heater daw naman, so dahil TIPIDitis ang lolo nyo naghanap ako ng second hand na heater. Tuwang tuwa ako ng may nakita akong heater. 12 blades tapos $50.00 lang... sa mind ko lang that time.. ay kaya na nitong sunugin ang buong bahay.. char lang... sabi ko iinit na nito ang bahay... hindi ko na kailangang tawagin si Yaya para magsunog ng sampung alipin pag ako'y giniginaw. hahahaha...
So naki-communicate ako seller. Isang matandang babae ang nagbebenta. And since wala naman akong sasakyan pa that time, tinanong ko si auntie kung saan ko pwedeng kunin... sabi nya sa kanyang work daw which is sa Lake Front at sabi nya siya lang daw ang nag-load sa kanyang car ng heater. So iniisip ko kung ang lola nga nakayang buhatin, jusme ako pa ba??? Spartan ata ako sa Singapore.. jusme kilo-kilong mga mga barbel ang aking binubuhat. LOL!!! So hindi na ako humingi ng tulong sa kaibigan ko.
Anyway, pagdating ko sa Lake Front, sabi ni auntie, where is your car? Sabi ko, waley pa aketchie na carlalou sabi ko bubuhatin ko lang... Alam mo yung hitsura ni auntie na natigalgal. hahahahaha... para gusto nyang tumambling sa harap ko.. knowing me noong bago ako dito sa NZ ang petite petite ko pa.. XS pa ang damit.. ngayon XS pa din kaso Xobrang Sikip na. LOL!!! Sabi nya, are you sure? I can bring you this to your place... Sabi ko, oh it's okay... Ma-pride din naman ako... ayaw kong mapahiya.
So yun na nga, pagbukas ni auntie ng kanyang car.. kaloka... ang laki laki pala ng 12 blades na heater... hahahahaha.. ni-try kong buhatin muntik na akong mag-collapse sa bigat... pero dahil napahiya na ako at sabi kong keriboom boom ko... so yun na nga.. ni-try kong buhatin ang heater... ng makalayo-layo na ako kay auntie at pumasok na siya sa work nya.. doon ko ibinaba ang 12 blades na heater na halos 30kg ang bigat. hahahahahahah... shotang-inetch!! ang BIGAT!!!! kaloka... hindi naman ako na-inform na kailangan kong ilabas si Hidilyn Diaz. hahahahahaha...
From Lake Front going sa inuupahan kong bahay mga almost 2km ang layo tapos paakyat pa neng. hahahahahaha...kaloka... as in gusto kong isumpa ang araw na yun.. pero heto pa ang malupit... sa may kanto paakyat... may nagaabang na pulis... kaloka si manong pulis tinitingnan lang nya ako... jusme.. hiyang hiya ako.. gusto kong sabihin sa pulis na hindi po ako magnanakaw. hahahahahaha.... Almost na hour bago ako nakarating sa bahay at pagdating ko sa bahay... putok na putok ang muscles ko sa kabubuhat... jusme.. HIDILYN DIAZ.. ikaw ba yarn?? :D
Mga Komento