Sana
Pagnakakakita ako ng itim na background o kandila na profile picture dito sa FB, mababasa mo sa mga kumento ang pakikidalamhati sa taong naulila. Pero walang taong higit na makakaunawa sa taong naulila kundi ang taong inilisan na din ng kanilang mahal sa buhay. It's been awhile ng pumanaw ang inay at ang tatay pero hanggang ngayon paulit-ulit akong dinadalaw ng alaala ng mga huling sandali na kasama ko sila. Paulit-ulit na naglalaro sa aking isipan ang mga huling salitang nasabi nila. Naalala ko ang sabi ng tatay ng paalis na ako sa Pilipinas noong akin siyang bisitahin habang nakaratay siya sa kanyang higaan. Sabi niya: "Oto bakit kailangan mong umalis? Pwede bang huwag ka munang umalis?" mga huling salita na sinabi ng tatay sa akin, pero wala naman akong magagawa kundi lumisan ng panahon na iyon para bumalik sa ibayong dagat. Kung maibabalik ko lang ang pagkakataon na iyon, gusto kong bumalik at muling haplusin ang kanyang mukha at sabihin, "Oho, 'tay di na ako...