Magbiro ka na sa lasing wag lang sa baliw!
Sabi nila (mga banyaga) ang Pilipinas daw ay bansa ng mga masayahing tao sa buong mundo, pero pansin ko lang parang ang daming baliw na nagkalat sa lansangan ng Maynila. hehehe.. mukhang nasobrahan ata ng saya hanggang tuluyan ng mabaliw. LOL! Noong college ako, marami akong nakikitang baliw sa kahabaan ng Taft Avenue lalo na sa may Luneta Park since katapat lang ito ng Adamson. Pero dati-rati wala naman silang pakialam sa mundo kasi may sarili naman silang mundo. LOL! Pero masasabi ko lang, ingat ka sa kanila dahil baka sa kanilang mundo isa kang halimaw at ikaw ang kanilang patayin. hahahahahaha! Isang araw matapos ang aming klase sa school sabay sabay kaming uuwi na mga taga Quezon City para masaya kami sa jeep. Di ba ganun naman talaga?! Pagmakakasama kayong magkakaibigan sa jeep for sure riot sa kwentuhan at tawanan... keber na kayo sa mga kasabay ninyo... hehhehe.. Anyway, kwentuhan kaming lahat habang naglalakad patawid sa opposite side ng Sta.Isabel na school since doon umi...