Mag-DO muna bago kumain ng saging (mga kwento sa likod ng EASTars


Wala ng cheering this year! Ito ang sabi amin. Nakakalungkot kasi ito ang nagbibigay buhay sa Sportfest. Amin man natin o hindi, ibang level ang pagiging competitive ng mga tao sa community at talagang kailangan mong i-stretch at pigain ang creative juices sa utak mo. Hindi kailangang basta-basta lang... they will push you more para mag-excel at you need to produce and di basta-basta.

A month before the Sportsfest... They decided to have cheering competition again! YYeeeeeeeehhheeeyyy!!! And here is Toots the text brigade master. hahaha.. at talagang excited much!!! During our initial meeting we said na di na kami sasali if we have enough na tao since Hallerrrr!!! quota na ang age namin para mag-cheerdancer... di na kaya ng Anlene Milk para patatabayin ang aming mga maseselang buto. LOL!!! But after naming mangulit sa lahat ng pwedeng mahatak para mag-cheerdance... the usual scenario ng EAST... "Kulang sa tao!" So wala na naman choice ang mga Antiques (matatanda na!!!) kundi mag-join.

For the whole month of August we dedicated our time, talent and treasure for practices. From 2 times a week upto 4 times as week practices after office. Jusme kumusta naman ang PAGODa cold wave lotion? At uwian ay talagang habulan para ma-catch ang last train at hello malaki ang kinita ng Comfort Taxi sa amin... hahaha!!! Pero ganun pa man marami alaala ang mananatili sa amin. Halina't samahan nyo akong mag-saging habang binabalikan ang buong buwan ng Agosto.

- unang stretching... kumusta naman mga Antiques hindi na makagalaw... LOL!!! kinabukasan labas ang Salompas na nakatapal sa balakang. LOL!
- ang salitang AGAIN ang paulit-ulit mong madidinig kay Neo... hahaha... at pag-siya naman ang nag-POY AGAIN ang paulit ulit nyang madidinig sa amin kasi di nya magawa ng ayos. LOL!
- kulang ang bros na magbubuhat? kumusta ang mga muscles ng sister? LOL!!! simula sa simpleng pasa sa legs hanggang maghalukay ube sa laki ng mga pasa. Daig pa si Hulk Hogan sa pagbuhat!!!
- #compromise kami ni Bro.DJ sa pabuhat sa babaeng kulot na mahilig sa pag-akyat ng bundok pero takot pag ni-lift sa cheering??? me ganun? hahahaha... buti andyan si Jessa Zaragoza na sasabihin: Guys kalma lang... at pagdating ng competition.. jusme di nakapagsakita ang bakla at mukhang di nakalma.. LOL!!! wabyu Meggy.
- Wag ililipat ng position si Rome dahil mawawala ang bata. LOL!!
- magulo na ang lahat wag lang ang buhok ni Neo. LOL! Kumusta naman ng masabunutan dahil muntik ng malaglag dahil sa lifting? **sabay wave ng hair ni Neo**
- bubuhatin ang babae tapos sabay talon sa batok saka paikutin pababa at papaulit sayo ng ilang beses. the following day.. lahat ng bros may stiff neck. LOL!!!
- 3-4mins lang ang cheering this year compare last year na upto 15mins. At sa loob ng 3mins kailangan ng makagawa ng iba't-ibang stunts. Kumusta naman counting? within 8 counts nasa langit na lahat ang dapat buhatin!!! tapos in 4 counts next position??  NEOOooooo, isipin mo naman ang balakang ng mga Antiques... di na kami makatakbo!!! LOL!!!
- Istana Park and teritoryo ng EASTars! Neng, don't mess-up with us pag nagpa-practice. LOL!!! Pero kumusta naman ng tarayan kami ng lalaking naka-heels!!! LOL!!! Patatalo ba kami? FIERCE!!!
- KFC Tampines (near Eden Condo). After practice at gutom ang lahat derecho sa KFC... 1030pm ang closing... neng 1000pm pa lang inaagawan na kami ng pagkain at itinatapon na kasi closing na daw? haller: Where is your manager ang peg ng mga maldita!!! hahahahaha... jusme pagod na pagod na aagawan ka pa ng pagkain? hahahaha.. =) sorry na lang ang lola mo!
- ibuka ang kamay na yan! ang sigaw ni neo pag naka-T-Rex mode ang mga kamay sa hiphop dance kasi pagod na pagod at di na mabuka. LOL!! mukhang mga komang na ang braso.
- sambahin ang poon mode... kumusta naman sina Nesty, JM at Trish habang nasa ere ang mga tao sa baba nakataas lahat ang kamay na parang sumasaba... LOL!!! in the end nilagyan ng dalawang babae na parang offerings in the end.
- #puso, alam mo yung pagod na pagod kayo pero andyan ang kasamahan ninyo? yun presence at support talagang nag-uumapaw. Dagdagan pa ang napakasarap na Arozzcado plus ang financial support. as in hands-down ako dito... PUSO kung PUSO.

Marami pang magagandang memories ang cheering this year at kung isusulat ko lahat dito baka tumulo ang laway nyo sa antok.. pero ang higit na nagpabuhay sa lahat ay ang...

Scene: 4am on the day ng competition. Bawal ma-late or else 50 dollars fine. Stretch galore at mega takbo pa.. Pagkatapos inilabas ang saing...

Nali: Guys may saging..

Takbuhan ang mga bubwit para kumuha ng saging!!! hahahaha

Neo:  Mag-DO muna bago kumain ng saging!!!

Neng panandaliang tumigil ang ikot ng mundo ng lahat at sabay sabay tumingin kay Neo... hahahaha... at tinanong namin: Ano daw? LOL!!! at inulit nya ang: Mag-DO muna bago kumain ng saging!!! hahahahaha... in the end saka lang nya na-realize na parang mali. LOL!!!


--------------------------

To my fellow EASTars...
- hindi man tayo nanalo ngayon taon.
- masakit ang pagkatalo at hindi ako mahihiyang sabihin na hindi ko ito matanggap sa "ngayon". #BITTER_OCAMPO.

pero higit sa lahat... marami tayong mga magagandang alaala na alam kong hindi ito makukuha sa atin kailan man. Tandaan natin na sa bawat patak ng pawis ay maraming taong nguniti at sumigaw sa atin.

sa mga taong nagsasabing #moveon... ALL OF YOU ARE WELCOME TO JOIN next year... and it's gonna be a great battle next year. Hindi sukatan ang edad.. hanggat humihinga pwedeng mag-cheerdancer. :)

NEO, JM & HAZEL - Thank you for leading us!
To the rest of EASTars - You can walk ng nakataas ang noon at maipagmalaking... we did very well. wala ang tropeo sa kamay natin pero nakuha natin ang #puso ng tao.


#puso
#EASTARS
#ONEEAST
#TEAMBEHOLD
#RED&GOLD

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin