Thanksgiving
Thanksgiving November na naman at syempre ito ang buwan ng Thanksgiving sa US. Infairness nakaka-miss ang Thanksgiving sa tate (US) kasi talagang pinaghahandaan ito ng lahat.. kesehodang wala ng handa sa pasko basta sa Thanksgiving dapat bongga talaga ang labanan. Kung sa amin yan sa Batangas, yun tipong halos mabaon na sa utang tuwing pista basta may maihanda lang sa lamesa para sa mga bisita... hehehe.. parang ganun ang drama ng Thanksgiving sa tate. "BONGGAHAN!!!" Gusto-gusto ko yung BLACK FRIDAY natinatawag sa tate. Noon iniisip ko kung bakit Black Friday, dahil dapat ba naka-black ang lahat pagdating ng Friday? Ay neng noong nagpunta ako sa tate ng Black Friday doon ko na laman ang ibig sabihin... hehehehe... Jusme talagang MAGDIDILIM ang paningin mo pagdating ng Black Friday sa dami ng SALE. hahahaha!!! Kesehodang ma-excess baggage pagbalik sa SG basta makabili ng sobrang murang bilihin. hahahaha... kaskas dito, kaskas doon ng credit card... hahaha.. walang ...