Pamahiin

Title:Pamahiin

Tayong mga Pinoy ang dami-dami nating mga pamahiin na talaga namang mapapaisip ka minsan kung tama ba ito o mali. 

Jusme lumaki kmi sa bukid at talaga naman ang mga pamihiin pwede mo ng i-compile at gawing isang libro ng mga hokus-pokus sa sobrang dami.. Alam mo yung mga libro ng mga mangkukulam... parang ganun... pwede mo ng ilagay sa libro sa sobrang dami. Kulang na lang pagumutot ka talagang dapat mayroon na proper timing baka malas ayon sa pamahiin. kaloka!!! hahaha... Pero aminin man natin o hindi ang mga pamahiniin ay isa sa mga naghulma (mold) sa ating pagka-Pilipino. Halina't himay-himayin natin ang ilan sa mga pamahiniin na ating kinalakihan...

1.) Iwasan ng babaeng buntis na umupo sa pintuan o hagdanan dahil mahihirapan daw ito kapag manganganak.
Komento: Jusme eh kung di ka talaga naglalakad-lakad at paupo-upo ka lang sa hagdaanan eh talaga namang mahihirapan kang manganak... kaloka!!! galaw-galaw neng!!! wag kang tamad ha! yan ba ang ituturo mo sa iyong anak paglabas sa mundo? ang pagiging tamad? hahaha!

2.) Kung ang babaeng nagbubuntis ay kumain ng magkadikit na saging, siya daw ay manganganak ng kambal. Dapat niyang paghiwalayin muna ang magkadikit na saging sa kanyang likuran bago niya ito kainin.
Komento: Aba teka!!! iba ang naisip ko.. hahaha!!! 'Teh isa-isaa lang naman saging ang kainin mo.. hahahaha!!! Pwede naman one at a time.. hahaha!!! kaloka!!! sumakit ang pudon ko dito. LOL! **RATED R**

3.) Bawal kumain ng talong o kaya puso ng saging dahil paglabas daw ng bata, sa tuwing ito’y umiiyak mahihirapan siyang huminga at magkukulay talong.
Komento: Kaloka!!! So bawal kumain ng kalabasa baka maging dilaw ang bata? or kumain ng dahon ng malunggay baka maging berde? eh ano na lang ang kakainin? DIAMONDS? para pag-umiyak ang bata parang si Edward Cullen...shine bright like a diamond!! shine bright like a diamond!! hahaha!!

4.) Kapag ang una mo daw na ipakain sa bata ay ang puwet ng manok, magiging madaldal siya paglaki niya at kung magsalita siya parang walang tigil na parang puwet ng manok.
Komento: Kung ikaw ba naman ay matinong magulang... paglabas pa lang bata ipakain mo ang pwet ng manok ewan ko lang kung sa halip (instead) na maging madaldal baka empatsho at kabag ng tyan ang abutin ng bata. LOL!!! Kaloka!!! bakit di na lang litson ang ang ipakin para maging malusog agad ang bata... LOL!!!

5.) Masama ang magwalis nang bahay habang hindi pa naililibing ang patay.
Komento: Eh pag may tumaeng bata? Hindi mo wawalisin? hahayaan mo lang sa sahig hangang manigas at matuyo? Paano kung matapakan pa ng bisita? Hahayaan mo lang kumalat ang amoy sa buong lamay? Jusme kung ikaw ang patay.. gusto mo bang amoy tae sa iyong burol? hahahaha.. paki-explain!!!

6.) Bawal maligo at mag suklay ang pamilya ng namatay sa burol. 
Komento: Dahil namatayan ng kapamilya.. kailangan maging mabaho, pangit, madungis, at mag-amoy patay na din ang buong pamilya? Bakit di na lang kaya sila sumama sa hukay tutal pare-pareho lang din naman ang kanilang amoy!!! hahahaha!! Sakit sa bangs ha!!!

7.) Dapat merong sariling upuan ang iniwang asawa ng namatay at bawal ito upuan ng iba, ang paniniwala ng matatanda kapag umupo ang isang taong may asawa sa upuan ng balo hindi magtatagal mamamatay din ang asawa niya.
Komento: Ay kaloka ito!!! Dapat patayin na din ang naiwang asawa!!! Jusme SALOT pala ito sa may mga asawa... Para di na makaupo ang naiwang asawa ng patay... eh di pahigain na lang din sa kabaong at isama sa libing para naman pakinabangan ang upuan sa bahay! LOL!

8.) Huwag mag-uwi ng pagkain galing sa hinanda sa namatayan dahil maiuuwi daw ang malas galing sa patay.
Komento: Namatayan na nga.. MALAS PA??? hahaha...  

9.) Iwasang matuluan ng luha ang salamin ng kabaong ng namatay, mahihirapan daw umakyat sa pangalawang buhay ang espirito ng patay.
Komento: Gusto kong tumambling dito... hahaha..Bakit mahihirapang umakyat? Eh baka naman sa ilalim ng lupa ang punta ng patay kaya nahihirapang umakyat!!! Etchocerang patay na ito... masyadong masama ang ugali tapos yung luha pa ng pinagkakautangan nya ang sisisihin bakit siya nahihirapang umakyat!!! hahaha.. 

10.) Mamalasin ang araw mo pagnakakita ka ng itim na pusa sa daan.
Komento: Kasalanan pa ng pusa ang pagiging malamas mo dahil isa siyang negrito? Oh well, malay mo naman may pamahiin din ang mga pusa na pagnakakita sila ng taong takot sa kanila mamalasin din sila. LOL!!! bawi-bawi lang!!!

11.) Bawal magpasalamat ang pamilya na namatayan sa mga bisita o sa mga nagbibigay ng abuloy.
Komento: Ay kaloka!!! walang utang na loob? ganun!!! ito ba ang dapat ituro sa mga bata? wag magpasalamat sa mga nagbigay? hahaha!!! Eh kung ganun din lang naman eh, wag na lang magbigay na abuloy. LOL!

12.) Takipan ng tela ang salamin ng bahay na namatay habang dito nakaburol para hindi magpakita ang namatay. 
Komento: Ay bet ko ito!!! sa tulad kong duwag ito ang pinaka-bet ko... hahaha.. haller pagnakita mo ang namatay sa salamin eh talaga namang nakakatakot kaya dapat takipan ang salamin... hehehe... Eh what if gusto lang palang mag-retouch ng sobrang puting face-powder ang patay? saan sila magsasalamin? sa kapitbahay na lang? hahaha!!!

13.) Kapag biyernes santo bawal mag hukay ng lupa, matatamaan daw ang ulo ng Diyos.
Komento: HAHAHAHAHA!!! Aray ko po!!! ganun kadami ang ulo ng diyos? na kahit saan ka mag-hukay tatamaan ang ulo? jusme!! kaawaan ka ng diyos!! hahaha!!!

14.) Kung may edad na ang namatay, bago ito ilibing kailangan magmano muna ang mga anak at apo ng namatay bilang pamamaalam.
Komento: Ay may ganun? pwede bang i-wattsapp lang? or selfie tapos post sa EP-BEE tapos i-tag mo lang with caption: I'm not scared! hahaha!!! 

15.) Lagyan ng pera ang unan ng patay at bago ilibing kunin ang pera at gawin ito na pangpuhunan sa negosyo, nakapagbibigay daw ito ng swerte.
Komento: Jusme gawin bang lucky charm ang namatay? hahaha... Di mo lang i-display ang patay na parang pusa na kumakaway sa bahay nyo para mas lalong swertihin. 

16.) Ang batang gagraduate ay kailangan daw pahawakin ng barya para suwertihin at makakahanap agad ng trabaho.
Komento: Bakit di na lang papel na pera ang ipahawak? hahaha... bakit barya lang? tipid-tipid din ang drama? hahahaha..

Anyway, ilang yan sa maraming pamahiin ng mga Pinoy na minsan mapapaisip ka kung bakit? hahaha... Pero ito talaga ang hindi ko malilimutan noon kami ay bata pa. May isa kaming lola (Nanay Osay), sa tuwing magtatanim siya ng mga gulay sa balag, yung buto (seeds) ng kanyang itatanim ay ipapagalog nya sa aming betlog para daw mamunga ng madami ang kanyang mga gulay. HAHAHAHA!!! 


#pamahiin
#kwentoniernie

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.