Thanksgiving


Thanksgiving

November na naman at syempre ito ang buwan ng Thanksgiving sa US. Infairness nakaka-miss ang Thanksgiving sa tate (US) kasi talagang pinaghahandaan ito ng lahat.. kesehodang wala ng handa sa pasko basta sa Thanksgiving dapat bongga talaga ang labanan. Kung sa amin yan sa Batangas, yun tipong halos mabaon na sa utang tuwing pista basta may maihanda lang sa lamesa para sa mga bisita... hehehe.. parang ganun ang drama ng Thanksgiving sa tate. "BONGGAHAN!!!" 

Gusto-gusto ko yung BLACK FRIDAY natinatawag sa tate. Noon iniisip ko kung bakit Black Friday, dahil dapat ba naka-black ang lahat pagdating ng Friday? Ay neng noong nagpunta ako sa tate ng Black Friday doon ko na laman ang ibig sabihin... hehehehe... Jusme talagang MAGDIDILIM ang paningin mo pagdating ng Black Friday sa dami ng SALE. hahahaha!!! Kesehodang ma-excess baggage pagbalik sa SG basta makabili ng sobrang murang bilihin. hahahaha... kaskas dito, kaskas doon ng credit card... hahaha.. walang pakialamanan... padating ng billing statement ng credit card... hihimatayin ka sa dami ng iyong babayaraan at talagang nakakaDilim ng paningin. LOL!!! so yun pala ang ibig sabihin ng Black Friday. :D

Anyway, hindi magiging Thanksgiving ang isang thanksgiving na okasyon kung walang Turkey! Kung sa birthday dapat laging may pancit at cake, sa thanksgiving dapat me turkey. Hindi ko maunawaan kung bakit kailangang turkey ang patayin tuwing thanksgiving.. pwede naman manok, baboy, baka, kambing... pero dapat turkey!!Kaya pagdating ng November ang lahat ng turkey sa tate ay nagtitipon-tipon sa plaza tapos isa-isa silang tatawagin kung sino ang tribute for the year..hehehe.. parang hunger games lang ang peg? ganun? Kumakatniss ang peg ng mga Turkey.. echocherang mga pabong ito. LOL!

Noong 1st time namin ni Nali magpunta ng US together, super excited talaga kami kaya lahat ng pwede naming i-try na pagkain as in lafang galore! who cares kung excess kilo ng fatness pagbalik ng SG. hahahaha!!! atleast hindi mukhang naghihirap sa gutom. hahahaha!!! Anyway, when we went to Disneyland we are sooooo excited to taste ang Turkey Leg, knowing me talagang number fan ako ng mga manok kaya feeling ko magkakasundo din kami ng turkey! as in bet na bet ko ng makakita kami ng turkey... hehehe.. Nang makabili kami dali-dali kaming umupo sa isang sulok at dahan-dahan kong binuksan ang Turkey leg na naka-wrap pa sa aluminium  foil. Ay 'teh, pagbukas ko pa lang sa foil talagang mega-lafang agad ang lolo mo. hahaha... (PG lang? Patay Gutom). Pero habang tumatagal feeling ko hindi nababawasan ang kinakain kong Turkey Leg. LOL!!! so binukasan ang bonggang-bongga ang foil... kaloka ang muntik ko ng maihagis ang turkey leg ng makita ko... Jusme kaya pala di ko maubos-ubos kasi para na siyang binti ng bata sa laki. LOL!!! As in.. feeling ko habang kinakain ko ang turkey leg, parang kumakain na din ako ng binti ng bata... hahaha... So dahil sobrang nakakawala ng ganang kainin ang binti ng bata... hahaha... may nakita kaming mga bibe sa may manmade na lagoon at binigyan namin sila ng binti ng bata. hahahaha... infairness... patok sa mga bibe ang flawless leg ng turkey... hahaha.. halos magpatayan pa ang mga bibe makatikim lang ng leg ng turkey. hahahaha... KALOKA!!!!

Yun lang, sa mga kapamilya at kaibigan ko sa Estados Unidos... HAPPY THANKSGIVING... dahan-dahan sa pagkain sa binti ng bata. LOL!!!

#thanksgiving
#turkey_leg
#binti_ng_bata
#kwen2nierniea

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin