Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Setyembre, 2015

Manunupot

Bawat bata sa mundo, mahirap man o mayaman siguradong lumaking may kinatatakutan. Yung iba takot sa multo, yung iba takot sa magulang, yung iba takot sa ahas o insekto, pero noong bata pa kami ang kinatatakutan naming lahat ay ang MANUNUPOT (Oh! davah... tawag pa lang di mo alam kung matatakot ka or matatawa.. hahaha!)   Naalala ko pa noon, isa pa lang ata ang may jeep sa aming lugar kaya alam na alam namin pag may naligaw na bagong sasakyan sa lugar namin. Jusme imagine mo naman, pag nakasakay sa jeep at nakadating ka ng bayan... haller!!! ikaw ang pinaka-sikat sa mga kalaro mo. hahaha... kaya nga noon sabi ng kaklase sana daw magkasakit siya para dalhin siya sa bayan at makasakay ng jeep. hahaha!!! Oh di ba.. ang dasal namin noon magkasakit at ma-confine sa ospital. hahahaha!!! Feeling namin noon sosyal na sosyal na pag nakadating ka ng bayan. hahahaha!!! kaloka talaga ang mga bata... kung ano-ano ang mga naiisip... Mas sosyal kung na-confine ka sa Ospital... ang lambot ng higaan...

Tiyo

Magandang gabi po sa inyong lahat. Siguro sa mga hindi pa nakakilala sa akin: ako po ay anak ni Esing. Si Esing po ay ang natitirang buhay sa magkakapatid nina Fiscal na kasalukuyan pong nasa Estados Unidos. Sa kasamaang palad po ay hindi siya makauwi dahil patuloy po ang dialysis niya sa kanyang kidney. Parang kailan lang sa ganitong pagkakataon din tumayo ako sa harapan ng maraming tao para magbahagi tungkol sa buhay ng tatay noong Pebrero ng siya sa pumanaw. Heto na naman ako matapos ng halos pitong buwan magbabahagi na naman ako ng buhay ng isang taong naging malaking bahagi ng aking buhay at umaasa akong huli na ito sa panahon na ito dahil parang hindi ko na ata kakayanin pang magsalita sa harap ng maraming tao para magbigay ng huling paalam sa taong mahal ko. Sa tuwing iniisip ko ang Tiyo ito ang ilan sa mga alaala na hinding-hindi makakalimutan. - Owner jeep na stainless - puting buhok - New Years Eve (Bagong Taon)   Halina't samahan ninyo akong balikan ang mga alaala ko tun...