Manunupot
Bawat bata sa mundo, mahirap man o mayaman siguradong lumaking may kinatatakutan. Yung iba takot sa multo, yung iba takot sa magulang, yung iba takot sa ahas o insekto, pero noong bata pa kami ang kinatatakutan naming lahat ay ang MANUNUPOT (Oh! davah... tawag pa lang di mo alam kung matatakot ka or matatawa.. hahaha!)
Naalala ko pa noon, isa pa lang ata ang may jeep sa aming lugar kaya alam na alam namin pag may naligaw na bagong sasakyan sa lugar namin. Jusme imagine mo naman, pag nakasakay sa jeep at nakadating ka ng bayan... haller!!! ikaw ang pinaka-sikat sa mga kalaro mo. hahaha... kaya nga noon sabi ng kaklase sana daw magkasakit siya para dalhin siya sa bayan at makasakay ng jeep. hahaha!!! Oh di ba.. ang dasal namin noon magkasakit at ma-confine sa ospital. hahahaha!!! Feeling namin noon sosyal na sosyal na pag nakadating ka ng bayan. hahahaha!!! kaloka talaga ang mga bata... kung ano-ano ang mga naiisip... Mas sosyal kung na-confine ka sa Ospital... ang lambot ng higaan.. hahahaha.. hindi papag na singtigas ng bakal... at lahat ng gusto mong kainin... pwedeng pwede...hahaha... pero humanda ka pag-gumaling ka na... hahaha.. balik ka naman sa kalbaryo... LOL!!! TUYO at asin ang ulam... kumusta naman ang KIDNEY mo... hahahaha... naghuhumiyaw sa bato...'DARNA!!!" hahahahaha...
Anyway, kapag may padating na bagong sasakyan sa lugar namin, malayo pa lang at abot tanaw pa lang sa bukid... sasabihin agad ng mga matatanda: Magtago kayo at ayan na ang mga manunupot... as in trauma sa akin ang salitang ito noong bata pa ako. hahaha.. Kami namang mga bata takbuhan agad sa silong ni Nanay Osay. hahaha.. as in sa ilalim ng silong kaming lahat... tapos tahimik lang kaming mga bata... jusme minsan isang oras na di pa umaalis ang mga manunupot at nandoon lang kami sa silong na puro alikabok. hahaha... At pag nakaalis na ang mga manunupot saka pa lang kami makakapaglaro ulet tapos sasabihin ng mga matatanda na pag may nakita kaming bagong sasakyan magtago na daw agad kami. KALOKA!!!
Kapag ikaw ay naglalakad sa kalsada at may nakita kang padating na sasakyan... jusme... takbuhan kami sa loob ng mais-an o palayan o minsan naman sa loob ng tubuhan. hahahaha.. as in tago galore... hahahaha... pero ang malas mo pag nasa open field ka.. hahahaha.. minsan play dead ang peg mo.. hahahaha... as in nakadapa ka sa bukid. LOL!!! naiimagine ang hitsura ko dati na nag-play dead.. hahahahahaha... kung ikaw ang manunupot magiisip ka bakit may batang naka-dapa sa gitna ng bukid. hahahahaha.Anyway, mas okay na magmukhang tanga kesa mahuli ng manunupot. hahahaha...
Kaloka ang descriptions ng mga matatanda sa mga manunupot at talagang may requirements sa mga huhulihin na mga bata. At heto pa ang malupit; kung anong gagawin sa'yo pag nahuli ka ng manunupot.
- Pagnahuli ka ng manunupot, ilalagay ka sa sako. Sa loob ng kanilang sasakyan nandoon lahat ang mga bata nilang nahuli na pakalat-kalat sa daan.
- Pagkatapos dadalhin ka nila sa ginagawang tulay doon ka pupugatan ng ulo. Tapos lahat ng iyong dugo ay ilalagay sa ginagawang tulay kasi daw ang dugo ng mga bata ang nagpapatibay ng tulay. KALOKA davah!!! para lang sacrificial lamb ang drama... hahahaha... ganun??? bakit bata lang ang isa-sacrifice? bakit di na lang ang mga matatanda? hahahaha...
- pagwala ka ng dugo saka ka nila itatapon at di ka na makikita ng iyong pamilya. hahahaha.. katakot davah!
- pero ang pinakamalupit ang mga SUPOT lang ang kanilang kinukuha... hahahahahahahaha!!!
Okay... okay... sa mga hindi nakaka-alam ng supot.. ito yung mga hindi pa TULE na mga lalaki. hahahaha... jusme... imagine mo naman.. noong bata kami ang edad ng tinutule ay 10years pa lang... GRADE 4 na saka pa lang kami matutule.. hahahaha.. hindi tulad ngayon na kahit ka-u-uha pa lang ng bata.. TULE na agad... hahahaha... so ilang taon kang i-ta-trauma ng mga matatanda tungkol sa manunupot. hahahahaha...
Ngayong matanda na ako... natatawa kag iniisip ko ito... so para 'wag lang kaming magulo pag may bisita noon gumawa sila ng MANUNUPOT... Kaloka!!! ilang taon akong na-trauma dito... dapat bigyan kami ng hustisya sa trauma ng aming pagkabata... kailangang isumbong sa Bantay Bata 163. hahahahaha. Ilang beses akong nag-play dead sa bukid dahil lang sa manunupot na yan. hahahaha.. ilang beses akong halos magkandarapa sa pagtatago sa gitna ng palayan... ilang oras ang aking buhay ang nasayang sa silong ni nanay Osay sa aking pagtatago... HUSTIYA SA BIKTIMA NG MANUNUPOT. hahahaha!
Jusme ngayon mo sabihin sa mga bata ang manunupot... naka-nganga lang ang mga yan sa'yo... pero kunin mo ang IPAD... yun ang katumbas ng manunupot sa kanila ngayon... hahahahaha...
#manunupot
#kwen2niernie
Mga Komento
mayocareclinic@gmail.com
Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.