Tiyo

Magandang gabi po sa inyong lahat. Siguro sa mga hindi pa nakakilala sa akin: ako po ay anak ni Esing. Si Esing po ay ang natitirang buhay sa magkakapatid nina Fiscal na kasalukuyan pong nasa Estados Unidos. Sa kasamaang palad po ay hindi siya makauwi dahil patuloy po ang dialysis niya sa kanyang kidney.

Parang kailan lang sa ganitong pagkakataon din tumayo ako sa harapan ng maraming tao para magbahagi tungkol sa buhay ng tatay noong Pebrero ng siya sa pumanaw. Heto na naman ako matapos ng halos pitong buwan magbabahagi na naman ako ng buhay ng isang taong naging malaking bahagi ng aking buhay at umaasa akong huli na ito sa panahon na ito dahil parang hindi ko na ata kakayanin pang magsalita sa harap ng maraming tao para magbigay ng huling paalam sa taong mahal ko.

Sa tuwing iniisip ko ang Tiyo ito ang ilan sa mga alaala na hinding-hindi makakalimutan.

- Owner jeep na stainless

- puting buhok

- New Years Eve (Bagong Taon)

 

Halina't samahan ninyo akong balikan ang mga alaala ko tungkol sa Tiyo.

Noong mga bata pa kami napaka-special sa amin ng owner ng tiyo hindi dahil ito ang pinaka-magandang sasakyan o pinaka-magara pero noong bata kami sa tuwing darating ang tiyo galing trabaho sinasalubong namin siya sa may school tapos sasakay kaming mga bata sa kanyang owner. wala namang special sa pagsakay sa owner ng Tiyo pero yung kasiyahan naming mga bata at maging kasiyahan ng Tiyo na makita kaming masaya-saya ay sapat na. Iba talaga ang pakiramdam pagsakay ka sa owner ng Tiyo, nandoon yung magpapatugtog siya ng mga banda ng musiko pero ang higit na nakakatuwa sa lahat ay yung pagpinatugtog na niya sina porkchop na komedyante. Siguro ito ang paraan ng Tiyo para mawala ang pagod niya sa kanyang araw-araw na trabaho at siguro dito din niya nakukuha ang kanyang napadaming jokes. Sa mga hindi nakakaalam ang tiyo ay naglalakad na jokes dahil sa sobrang daming alam niyang kalokohan. Ang kwento nina Bruno at kung anu-ano pa. Minsan nga tinatanong ko ang Inay kung paano naging abogado ang tiyo eh puro lang naman kalokohan ang alam. Parang hindi ko maisip ang hitsura ng tiyo sa loob ng courtroom. 

Ang pampalipas ng oras ng Tiyo dati ay magpapakuha yan ng puting buhok sa ulo at sa ilong. Naala ko pa sa dating bahay nina Nanay Osay kung saan araw-araw namin siyang kinukunan ng puting buhok. Minsan nga halos pa-puti pa lang ang buhok binubunot na namin kasi may bayad kada puting buhok na mabunot. Napaka-simple lang ng Tiyo, habang naglalaro kami dyan sa harapan tapos tatawagin kami sasabihin nya bunutan namin siya ng puti tapos may singkwenta sentemos na kami. Talo-talo na kaming mga bata dati para makabili sa tinda nina kakang atang. 

Pero ang hinding-hindi ko makakalimutan sa Tiyo ay tuwing sasapit ang bagong taon. Noong bata pa kami ang bagong taon ang pinakahihintay naming araw hindi dahil sa kwitis or putok ng baril (noon po pwede pa ang putok ng baril). Sa lumang bahay nina Nanay Osay nagsimula ang lahat. Lahat ng mga bata ay kailangan kumanta, tumula o sumayaw. Walang kang lusot kahit ayaw mo mapipilitan ka. Sina Tito Angel, Kuya James, at ang Tiyo ang pasimuno. Pagdating pa lang ng mga alas siete ng gabi kaming mga bata at yung buong tao dito sa lugar na ito nagsasama-sama sa bahay nina Nanay Osay. Noon po kasi ilan lang ang bahay dito. Buong gabi ang program hanggang sumapit ang bagong taon. Habang lumalaki na kami syempre hindi na kami sumasali pero simula sa pagiging contestant ng mga singing contest ng mga tiyo kami naman ang naging bagong henerasyon para ipagpatuloy ang kanilang nasimulan. Naalala ko pa noon na sina Luis, Ate Pilar, Mario ang mga naging hosts then sumunod naman ang generation namin ni Ate Irene, then sina Jheng and so on.

Siguro kung hindi dahil sa Tiyo at sa Bagong Taon hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob para tumayo dito sa harapan ng maraming tao. Ang Bagong Taon ang ang nagbigay sa akin ng pagkakataon para matutong tumayo sa harap ng maraming tao at sabihin ang gusto kong ipahayag. Ito ang nagsilbing panimula sa aking buhay para magkaroon ako ng kumpiyansa sa sarili na kahit sinong tao ang kaharap ko ay kayang kong magsalita. Marahil ito ang layunin ng Tiyo noong sinimulan niya ang taunang bagong taon dito sa amin. Siguro nakita niyang hindi habang panahon tahimik lang ang angkan natin sa isang sulok. Nakita niyang balang araw ang mga batang paslit na ito ay magiging bahagi ng isang bagong panimula na kayang makipagsabayan kahit saan dalhin ng agus ng buhay. 

 Malaking bahagi ng ating angkan ang nawala kasabay ng paglisan ng Tiyo. Ang Tiyo ang nagbuklod sa ating lahat para magkasama-sama ang angkan ng Tercero. Naalala ko pa dati noong nagsimula ang reunion ng Tercero. Konti lang tayo, pero hindi siya nakuntento sa konti lang; bagkus dahan-dahan niyang naitayo ang ating taunang reunion. Tingnan nyo tayo ngayon isang malaking angkan.

Noong na-diagnose ang tiyo ng cancer last May or June it was already in stage 4. Ibig sabihin ito na yung pinakamalalang stage sa cancer. Sabi ng doctor tatagal na lang siya hanggang 6months to one year. We are so devastated that time. Sina Elaine, Abeth, Luis  ang taga update namin kung ano na ang kalagayan ng Tiyo. Hindi namin alam kung paano namin sasabihin sa Tiyo ang condition niya pero alam natin na matalino ang Tiyo. Hindi man namin tahasang sinabi ang kalagayan nya pero alam nya na may Cancer siya. Lagi namin siyang tinatawagan at tinetext para sabihin na kaya natin ang laban na ito at hindi siya nagiisa. Sabi nga niya ang kondisyon nya ay para siyang nasa korte na humarap siya sa isang kaso na hindi handa pero napagtaumpayan niya. Ganun ang Tiyo... Napaka-positive ng atitude niya... I always mentioned to him na pagaling siya kasi magbabakasyon pa siya sa amin sa Singapore. 

Noong umuwi ako last 2 weeks ago. Hindi ko napigilang umiyak ng magkita kami sa Montalban. I can still remember me and ate Tess was crying sa kusina para hindi makita ng Tiyo na malungkot kami. It's hard to show na masaya ka but in reality you are dying inside. I want to hug him and comfort him pero I can't... hindi ko pwedeng ipakita na I'm defeated sa laban. I want to show him na there's hope sa kalagayan nya. Kaya kahit mahirap I tried to cracked a joke para matawa siya pero he was looking sa malayo na parang wala lang. 

Noong hindi ko pa nakikita ang Tiyo, I was praying for miracle na sana gumaling siya pero noong bumalik na ako ng singapore isa lang ang dasal ko. Lord please NO PAIN.. sana wala ng sakit... I asked my friends na may ganitong experienced sa pamilya nila and iisa lang ang sabi nila sa akin. May mga times na they want na mamatay na lang dahil sa sakit na kahit bigyan sila ng morphin ay wala ng epekto. Pero ang mabait ang Diyos... dininig nya ang dasal namin na sana wala ng sakit. I know he experienced yung may masakit pero yung sakit na halos ikamatay nya ay hindi nya na-experience. And I believe yun ang mas importante. 

Walang asawa at anak ang tiyo na masasabi niyang kanyang pamilya. Pero nandito tayong lahat: Kaibigan, kakilala, kasama sa trabaho, Pinsan, Pamangkin, at Kapatid bilang isang Pamilya. Nandito tayo hindi lang dahil tayo ay nakikiramay. Nandito tayo kasi naging bahagi tayo ng buhay ng Tiyo. Siguro pagtinanong ang bawat isa na nandito kung anong masasabi nyo kay Fiscal malamang isa lang halos ang sagot ng tao.. Napakabuting tao ni Fiscal and indeed yun lang ang tanging masasabi natin lahat, kung gaano siya kabuti. Kasi para sa Tiyo regarless of what.. lahat ay mabuti... walang masamang tinapay para sa kanya. 

Noong lumisan ang Tiyo ng Sabado ng gabi bigla akong napaisip at nasabi ko sa aking sarili: Tapos na ba ang misyon ng Tiyo dito sa lupa? Parang ang bilis ata. Parang hindi ko maisip na uuwi kami dito sa Laurel na wala ang Tiyo. Wala na ang Tiyo na laging nandyan pagkailangan mo ng tulong. Wala na ang Tiyo na laging najo-joke. Parang wala na yung tali na nagbibigkis sa ating lahat. Pero ganun pa man, kahit nilisan na tayo ng tiyo nag-iwan naman siya ng kanyang magagandang ala-ala sa ating lahat at masasabi kong ito ang pinaka-importateng bagay na iiwan ng tiyo sa ating lahat. Nawala man ang pisikal na kaanyuan ng tiyo pero naniniwala ako na sa bawat isa sa atin ay sumasalamin ang katauhan ng tiyo. Ang mga alaala at aral na naibahagi nya sa inyo maliit man o malaki pag-pinag-sama-sama natin ito ay  mananatiling buhay ang tiyo dito sa ating puso. Sa araw na ilalagak natin ang tiyo sa kanyang huling hantungan sana wag nating isama sa kanyang paglisan ang mga magagandang alaala niya sa atin bagkus pagibayuhin pa natin ito at palaguin. Ito marahil ang gusto niyang mangyari. Lumisan man ang tiyo alam kong hanggang dito na lang ang kanyang paglalakbay sa lupa kasi alam niyang sapat na ang mga aral na kanyang iniwan para sa ipagpatuloy ang mga bagay niyang nasimulan at umaasa akong hindi dito matatapos ang mga bahagi ng kanyang nasimulan bagkus patuloy natin itong ipasa sa mga susunod na henerasyon na kanyang naiwan.

Tiyo, hindi kami mangpapanggap na kami ay Okay sa iyong paglisan dahil masakit sa totoo lamang. Ito yung sakit na walang sugat na pwede mong lagyan ng gamot. Ito yung sakit na kahit anong iyong gawin nadoon pa din. Nagluluksa kami sa iyong pagalis kasi ganoon ka namin kamahal at kaimportante sa amin. sabi nga It's OK Not to be OK. and right now we are not ok. we are in pain. but allow us to endure this pain for now. i know one day we will move forward and carry on. Isa lang ang aking maipapangako: ang isabuhay ang mga aral na iyong naiwan. Ngayong ikaw ay nasa langit na kasama ang angel at Diyos sa langit nawa'y ipagdasal mo kaming naiwan mong nagmamahal sa'yo dito sa lupa at ganun din kaming nandito patuloy ka din namin ipagdarasal. 

Tiyo we love you and we will miss you a lot.

 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin