JAPOPO con yelo
Babala: Ang susunod na akda ay hindi magandang basahin habang ikaw ay kumakain dahil ito ay magdudulot sa iyo ng pagkawala ng gana sa pagkain... Pero kung mapilit ka…walang makakapigil sa'yo.. (PABEBE lang peg?!) Noong bata pa kami wala naman kaming mga laruan na masasabi mong hitech. Hindi tulad ngayon ang mga bata naka-ipad o naka-tablet na. Noon kami, lata tapos lalagyan ng tsinelas na binilog sa tabihan instant truck na... saha ng saging na-finold o kahoy na-nicurve may instant baril... plastic bag na lalagyan ng tinapay na tinalian ng sinulid sa apat na sulok instant parachute na... foil ng sigarilyo ilagay mo sa ngipin instant braces.. hahahaha!!! Pero sa dami-dami ng mga kalokohan noong bata kami, itong susunod kong kwento ang pinaka-weird sa lahat. Iilan lang ang bahay noon sa lugar namin (likod ng school ng Laurel). Siguro mga sampu lang ata kung hindi ako nagkakamali (Tiya Cely, Kakang Juana, Ate Tore, Kakang Atang, Nanay Osay, sa mga Nanay, sa amin, Tiya Iska, a...