Mga lihim sa likod ng iyong panaginip.
Minsan hindi ka ba nagtatanong kung ano ang ibig ng iyong mga panaginip? Yung magigising ka sa madaling araw at mapapaisip ka ng: Sh!+ ano kayang ibig sabihin ng aking panaginip. Ngayong araw sisilipin natin ang mga lihim sa likod sa iyong panaginip. Sa pamamagitan ng aking makintab na bunbunan sisikapin kong hulaan ang mga lihim sa likod ng inyong panaginip.
1. Yung lumilipad ka pero may humihila ng iyong paa. O wag mong i-deny pak na pak ito. Halos ata ng kakilala ko may ganitong panaginip and for sure ikaw din. Wag mong sabihin na espesyal ka at di mo ito naranasan. Di ba kaloka, ready to fly ka na pero may mga taong pilit kang hinihila pababa. Yung kahit anong pilit mong tadyak sa mga hayuff hindi pa din sila bumibitaw sayo... mga linta ng lipunan lang ang peg? hahaha!
Analysis: Ayon sa aking mahiwagang bolang krystal tandaan mo ang mukha ng mga taong humihila sayong paa dahil sila ang mga taong humihila sa'yo pababa para di mo ma-achieve ang mga pangarap sa buhay. Kung di mo matandaan ang mga mukha sa ngayon wag kang mag-alala itong panaginip na ito ay maraming beses nangyayari kaya for sure maalala mo kung sino sila. Iwasan mo sila sa pang-araw-araw na buhay dahil sila ang magpapabagsak sa mga pangarap mong bituin. LOL!
2. Lumilipad ka pero parang hanggang certain place lang ang lipad mo. Yung tipong hindi na ikaw mag-move at all. Kahit anong lipad mo, kahit anong gawin mo... waley ka ng powers para mag-move.
Analysis: Ibig sabihin nyan kulang ang iyong pamasahe... LOL!! joke lang.. hahahaha... oh well pwede din naman kasi kung kulang ang iyong pamasahe sa jeep hindi ka naman talaga makakapunta sa malayong lugar. hahaha. Anyway, kung ang lipad mo ay malapit lang hindi pa ganun kalayo ang mararating ng mga pangarap mo sa buhay pero kung nakalipad ka ng sobrang layo at na-break mo yung usual spot pag ikaw ay lumilipad... ibig sabihin.. maliwanag ang iyong future. Pwede ka ng mag-fly ng bonggang-bongga.
3. Ahas sa iyong panaginip. Oh wag kang umarte dyan na hindi ka nanaginip ng ahas... for sure may mga scream moments ka pa sa sobrang takot mo sa ahas sa iyong panaginip. hahaha...
Analysis: Sabi nila pag may ahas daw sa iyong panaginip ibig sabihin 'non ay may darating na pera. Kaloka davah!! as in Ahas = Pera. So ano yan?? araw-araw na lang gusto mong managinip ng ahas. Eh kung ikamatay mo pa ay bangungot sa takot sa ahas. hahahaha.. Pero mas malupet kung kinagat ka pa ng ahas sa iyong dream. as in bonggang-bongga ang datung na darating sa inyo... Juicecoloured paano hindi bonggang-bongga ang darating na datung eh namatay ka na sa bangungot!!! so may darating na ang maraming pera sa abuloy... hahahaha...kaloka!!!
4. Natanggalan ka ng ngipin sa panaginip. Oh classic na panaginip ito na for sure na-experience mo na yan.
Analysis: Sabi nila pag natanggalan ka daw ng ngipin sa panaginip ang ibig sabihin may ma-tsu-tsugz na malapit sa'yo. kaloka!!! Tanggal ngipin... TSUGZ agad agad!? wala man lang pasabi??? PERO...PERO... as in wait...wait... may pangontral daw dito... Pagtanggal ang ngipin mo.. humanap ka daw ng kahoy tapos ikagat mo doon... JUICECOLOuRED!!! maisip mo pa ba yan pag nanaginip ka??? Eh wala ka na nga sa ulirat maiisip mo pang kumagat sa kahoy??? paki-explain nga! hahaha! ANo yan... habang nananaginip ka sasabihin mo sa sarili mo.. FOCUS Arcega.. kailangan mo ng kahoy para kumagat. hahaha!! paano kung nasa gitna ng dagat??? hahaha... eh di wow!!! hahahaha!
5. Yung nahulog ka somewhere... Oh relate much??? wag mong i-deny yan.. na-experience mo ito.. lalo na kung sakay ka sa jeep tapos nakakapit ka habang natutulog... bigla kang mananaginip na tumalon ka somewhere at malalaglag ang iyong kamay sa pagkakakapit. hahahahaha... tapos pretend ka na walang nangyari pero deep inside gusto mong bumuka na lang ang lupa at ikaw ay lamunin para hindi ka na makita ng mga tao. bbwwwhhahahaha!!!
Analysis: Sabi nila ibig sabihin daw nun ay hindi mo kontrolado ang iyong buhay... NATURAL!!! nahulog ka nga.. paano mo pa ito ma-co-control?? hahaha... Jusme ikaw kaya ang mahulog sa bangin... ewan ko lang kung kaya mo pang macontrol ang iyong pagbagsak... ikaw kaya ang mahulog ang kamay sa pagkakasabit sa jeep ewan ko lang kung kaya mong kontrolin ang mga mata ng tao na nakatingin sayo tapos nagtatawanan. hahahahaha!!!
Oh well, yun muna... mahaba na naman ang aking kwento.. sa susunod na lang ulet. hehehe... Please comment kyo ng mga panaginip nyo sa baba... pipilitin kong sagutin sa abot tanaw ng aking makintab na bunbunan.
#panaginip
#kwen2niernie
Mga Komento