JAPOPO con yelo

Babala: Ang susunod na akda ay hindi magandang basahin habang ikaw ay kumakain dahil ito ay magdudulot sa iyo ng pagkawala ng gana sa pagkain... Pero kung mapilit ka…walang makakapigil sa'yo.. (PABEBE lang peg?!)

 

Noong bata pa kami wala naman kaming mga laruan na masasabi mong hitech. Hindi tulad ngayon ang mga bata naka-ipad o naka-tablet na. Noon kami, lata tapos lalagyan ng tsinelas na binilog sa tabihan instant truck na... saha ng saging na-finold o kahoy na-nicurve may instant baril... plastic bag na lalagyan ng tinapay na tinalian ng sinulid sa apat na sulok instant parachute na... foil ng sigarilyo ilagay mo sa ngipin instant braces.. hahahaha!!! Pero sa dami-dami ng mga kalokohan noong bata kami, itong susunod kong kwento ang pinaka-weird sa lahat.

 

Iilan lang ang bahay noon sa lugar namin (likod ng school ng Laurel). Siguro mga sampu lang ata kung hindi ako nagkakamali (Tiya Cely, Kakang Juana, Ate Tore, Kakang Atang, Nanay Osay, sa mga Nanay, sa amin, Tiya Iska, at Tiya Nene).. oh davah nine lang pala.. hahaha! Noon puro gubat at bukid pa lang sa lugar namin at kokonti pa lang ang tao... hindi uso ang toilet sa amin... hahaha.. kung saan ka abutin ng tawag ni Inang kalikasan... Bonggang-bongga mo siyang sasagutin kahit saan mo gusto. hahahaha... The field is your toilet. hahaha!!!

 

Imagine our place na sobrang tahimik at sobrang nakakatakot pagdating ng gabi... kasi ang lalayo pa ng pagitan ng bahay tapos wala naman kuryente dati. Pagdating ng 7pm wala naman TV so mga 730pm nakahiga na ang mga tao sa amin at siguro gumagawa na ng mga bata ang mag-asawa. hahahahaha... jusme ano pa ba??? eh wala naman pagkakaabalahan... so gora lang ng gora... hahaha!!! Anyway, super duwag ako noong bata ako… as in super duper... Naaalala ko dati sasabihin ng Tiyo (Uncle Benny)... kung sino ang makakauwi mag-isa sa kanilang bahay at tatagal ng 30mins mag-isa sa loob ng kanilang bahay bibigyan ng piso. hahahahaha... (take note ang 1 peso noon sobrang bongga ng baon sa school... hahaha... kasi 10-20cents lang ang baon noong grade 1). Anyway wala sa amin ang nagta-take ng dare ng Tiyo kasi ba naman ang topic sa usapan ng mga matatanda ay TIKBALANG, white lady sa puno ng duhat.. juicecoloured... as in takutan talaga. So sa tulad kong bahag ang buntot eh di siksik na maige sa pundiyo ng ina. (translate: Sa tulad kong duwag, nakadikit lagi kung saan magpunta ang ina.. hahaha..)

 

Heto na.. dahil makaluma nga sa lugar namin noon as in ang mga bahay pa yung parang mga Spanish inspired na sobrang lalaki ng bintana o di kaya naman yung bahay na yari sa kawayan lang at hindi naman uso ang toliet noon.. Jusme ang matatanda sa BANGERAHAN lang umiihi tapos ang mga batang naglalaro ng taguan sa ilalim ng bangerahan ay basang-basa ng ihi. hahahaha...  ANG PALOT!!! Anyway sa lugar namin mga dalawa lang ata ang may toilet noon.. hahaha.. so imagine mo naman minsan may maapakan ka na lang na mabasa-basang tae sa daan na may mais pang kasama.. hahahaha. 

 

Wala kaming toilet pero sa mga nanay (lola) kami nakiki-toilet. hehehe... Hindi pa uso noon ang de-flush as in squat lang neng..kung masakit ang tyan mo.. nangangawit na ang binti mo sa kaka-squat...hahaha.. tapos butas pa yun at kita-kita mo ang mga lagim na isinabog ng kahapon. hahahaha... At pagtatanga-tanga ka pa pwedeng mahulog ang tsinelas mo sa loob. Hahaha!

 

Dahil matatakutin nga ako noong bata, kahit sobrang sakit na ng aking tyan di ako nag-to-toilet sa madaling araw.. kasi naman... ang layo-layo... as in lalabas ka pa ng bahay tapos pupunta ka pa sa likod ng kapitbahay kasi andoon ang toilet. so kesehodang mamilipit sa sakit ng tyan pinipigil ko. hahaha... Pero itong isang aking ate masyadong matalino sa tuwing sasakit ang tyan nya at kailangan nyang jumapopo sa madaling araw gigisingin pa ako nyan.

 

Ate: Oto, samahan mo ako sa kasilyas (toilet).

Me: Ayaw, ko nga nakakatakot.

Ate: Bilis na.. samahan mo ako..

Me: Ayaw ko nga. Ikaw na lang

Ate: Bahala ka titingnan ko pa naman ang tae sa kasilyas.

 

Tssaarrraaannn!! the magic word!! hahahaha...

 

Me: Magdala tayo ng madaming papel o yung dyaryo ng Tiyo?

 

Kaloka dahil takot ako sa labas ng toilet.. so habang jumajapopo ang aking kapatid naka-face ako sa door sa loob din ng toilet and impatiently waiting na makatapos siya sa kanyang orasyon. hahahaha.. Lahat ng amoy at utot ay langhap sa sarap ko.. hahaha!! At pagnakatapos na siya... Dala ang aming ilaw na de-gas iisa-isahin naming sindihan ang dala naming papel tapos saka namin ihuhulog sa loob ng kasilyas. hahahahaha.. As in ganun pala ang hitsura ng mga tae. hahaha.. para silang mountain na spread sa tinapay... hahahaha... ina-analyse ko pa kung kaninong japopo... hahahaha.. tapos ang dami-daming ipis.. pero wala akong pakialam sa ipis... sobrang concentrate ako sa lahat ng tae na naipon sa kasilyas. hahaha... Ewan ko ba kung anong gayuma ng japopo sa akin pero tuwing pinapanood ko sila para akong si Poh ng Kung Fu Panda... ZEN... inner peace... HAHAHA!!! ganun ang feeling.. ang serene sa pakiramdam. hahahaha... weird but it's true.. LOL!

 

Pagnaubos na namin ang papel uuwi na ulet kami na may pangako: "Ate.. bukas ulet ha?" bbbwwhhahahahahaha!!!

 

#japopo

#kasilyas

#kwen2niernie

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin