Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Disyembre, 2016

Pasko na! Pasko na!

OMG! Pasko na nga! Kaloka parang noong isang araw lang ako nag-iisip na anong gagawin sa Pasko, pero jusme ngayon ilang kembot na lang at hello Christmas at nganga pa din ako. hahahaha... Ang bilis-bilis ng panahon, bukas-makalawa bagong taon naman... Juicecolored!!! Anyway, bago mag-bagong taon; ano nga ba ang naghihintay ngayong Pasko? Ilang araw na akong nagiisip ng kung anong aking susulatin this Christmas pero parang walang pumapasok sa aking isipan. Kasi minsan feeling ko OA ang aking susulatin kaya in the end wala akong natatapos. So ngayon, regarless kung OA o hindi ang aking susulatin pipilitin ko pa ding sumulat. hahahaha.. :D walang pakialaman blog ko ito at nakikibasa ka lang. LOL!!! (biatch mode) Minsan sa dami ng ating mga kaibigan, kakilala, kamag-anak, inaanak, at kapamilyang kailangang bigyan ng regalo hindi na natin alam kung paano natin hahatiin ang ating oras sa pagbili at pagbalot ng mga regalo. Bukod sa pagiisip ng regalo, nandyan pa din ang kaliwa't-kanan ...

Gamot sa bukol mayroon ka?

Sa panahon ngayon parang halos ata ng sakit mayroon nang gamot, except siguro sa mga terminal na mga karamdaman na wala pang nadi-discover na gamot. Pero alam ba ninyo sa panahon namin (jusme kung maka-panahon naman ako parang Ingkong na ang edad ko. hahaha..) anyway siguro sa aming lugar na lang para di halata ang edad.. hahahaha... hindi uso ang mga gamot na bibili sa botika noong bata pa kami at tanging mga kung anu-anong damo mo lang ang ipapainom sa'yo para gumaling ka... so ngayon ko lang naisip na baka sa amin nanggaling ang mga herbal na gamot. LOL! Ayaw ninyong maniwala heto ang ilan sa mga sakit at lunas sa karamdaman. 1.) Umaalog na ngipin - malulugi ang dentista sa amin kung magtatayo siya ng clinic sa lugar namin dahil pag-umalog ang ngipin noong bata pa kami, SINULID ang katapat nito. Tatalian ang ngipin na umaalog tapos ang other end ay itatali sa pinto; pagbilang ng tatlo sabay sara ng pinto... BOOM!!! tanggal ang ngipin na umaalog. hahahahaha... alam mo yun...

Ang Disyembre sa aming school

Sa dami ng aking kwento dito ng aking kabataan, minsan nagiisip ako kung ano pa kaya ang aking ikukwento. Feeling ko minsan para na akong 711 na bukas bente-quatro oras. LOL!!! Alam mo yung feeling na alam na ng tao lahat ng kwento ng iyong buhay. (me ganung factor?) #artista #feelignimportante  Wow!!! arte-arte pa dyan eh ginusto mo yan... lol! kwento ka ng kwento tapos ngyon reklamo ka ng reklamo. hahaha.. #monologue sa sarili. Anyway, dahil malapit na ang pasko ito ang kwento ko sa inyo: Ang Disyembre sa aming paalaran. hehehe... Madami ang activities noong bata kami tuwing sasapit ang Disyembre at excited na excited ako kasi ibig sabihin malapit na ang bakasyon. LOL! Isa sa inaabangan ko ay aming Field Day. Ito yung panahon na lahat ng estudyante from Grade 1 to 6 ay may kani-kanilang exercise. Tapos may uniform pa na pang-PE. Ito din ang panahon na ang Muse at Escort ng klase ay paparada sa buong Barangay. Kaloka talaga.. as in buong Barangay... tapos na sa likod lahat ang ...