Gamot sa bukol mayroon ka?
Sa panahon ngayon parang halos ata ng sakit mayroon nang gamot, except siguro sa mga terminal na mga karamdaman na wala pang nadi-discover na gamot. Pero alam ba ninyo sa panahon namin (jusme kung maka-panahon naman ako parang Ingkong na ang edad ko. hahaha..) anyway siguro sa aming lugar na lang para di halata ang edad.. hahahaha... hindi uso ang mga gamot na bibili sa botika noong bata pa kami at tanging mga kung anu-anong damo mo lang ang ipapainom sa'yo para gumaling ka... so ngayon ko lang naisip na baka sa amin nanggaling ang mga herbal na gamot. LOL! Ayaw ninyong maniwala heto ang ilan sa mga sakit at lunas sa karamdaman.
1.) Umaalog na ngipin - malulugi ang dentista sa amin kung magtatayo siya ng clinic sa lugar namin dahil pag-umalog ang ngipin noong bata pa kami, SINULID ang katapat nito. Tatalian ang ngipin na umaalog tapos ang other end ay itatali sa pinto; pagbilang ng tatlo sabay sara ng pinto... BOOM!!! tanggal ang ngipin na umaalog. hahahahaha... alam mo yung na-shock ka na hindi ka nakaiyak dahil sa gulat... hahaha.. huli na nang-mareliaze mo na tanggal na ang ngipin mo tapos duguan ang nguso mo. Pwede na ang pinakulong dahon ng bayabas na may maraming asin ang pang-mumog mo at viola!!! galing na agad ang ngipin mo.. wala ng tahi-tahi at walang anestisya... hahaha.. bye bye sa ngipin mo.
2.) Pagtatae o Diarrhea - normal na sakit ito ng mga taga bukid... hahaha.. siguro dahil maghapon na nagbubungkal ng lupa tapos kakain ng naka-kamay... kaya lahat ng bakterya ay alive na alive sa bituka... pero wag kang mag-alala may gamot dito na sobrang bisa at kahit ang amoeba ay mag-mamakaawang lumabas. LOL! Kumuha lang ng dahon ng star apple / caimito tapos pakuluan sa isang kalderong tubig. Neng.. I'm telling you, alam mo yung lasa na sobrang pait na pipilitin na ipainom sa'yo. Jusme kahit ako ang tae ay magmamakaawa akong lumabas. hahaha..
3.) Ubo o Trangkaso - alam mo yung ubo na para ka ng asong ulol na kahol ng kahol. Wag kang mag-alala dahil may gamot dyan.. tsarann... Pinakulong dahon ng Oregano... 'neng dito ko lang sa Singapore nalaman na ang oregano ay sangkap sa pagluluto. LOL! hahaha.. dahil lumaki ako na ang oregano ay gamot lamang sa ubo o trangkaso. Jusme ang mahal-mahal pa naman ng oregano pero sa amin dyan-dyan lang sa gilid-gilid makikita tapos gamot lang... kung alam ko lang noon na pag may oregano ang ulam ay sosyalan na, eh dapat nilalagyan ko hawot o tuyo may kasamang oregano kapag pinirito para sosyalan. hahaha.. parang Tuyo with dash of oregano ang peg. ganung level.
4.) Beke - ay hindi ito ang kapitbahay nyong shokla... ito ay sakit na bumubukol ang leeg... hahaha... dati sa school ang dami kong nakikitang may beke, pero ngayon sa school ang dami-dami ng beki. LOL.. (joke lang sa mga beki). Anyway naalala ko dati ang kapatid ko nagkaroon ng beke... alam mo yung biglang laki ng leeg sa kanang side... tapos kung magkalakad sya naka-side ang leeg.. hahaha.. ito ata ang sakit na hindi mo naitatago... hahahaha.. Anyway kaloka ang gamot sa amin sa beke... maghahanap ka ng bahay ng bubuyog (bee) tapos didikdikin mo kasama ang sukang paumbong saka mo ipapahid sa iyong leeg. Kaloka neng!!! Alam mo yung pakiramdam mo ng naka-slant ang leeg mo tpos may tapal pang putik na amoy putok... hahahahahaha... pero infairness... konting tiis lang neng at gorabells na ang naghuhumiyaw mong beke. hahahaha..
5.) Kulani (lymph node) - para itong beke pero instead na nasa leeg, sa singit ito tumutubo. Normally kung may-sugat ka ay medyo infected na saka lumalabas ang kulani pero wag kang mag-alala kahit paika-ika kang maglakad dahil sa kulani may gamot dyan ang aming barangay... ilabas na ang Luyang Dilaw.. hindi ko maisip bakit luyang dilaw pa talaga ang gamot.. bakit di pwede ang normal na luya... jusme dati kailangan pang pumunta sa gubat at maghanap ng luyang dilaw tapos didikdikin at ipapahid sa naghuhumiyaw na kulani. LOL!!! Shalan na kulani na yan... gusto pa talagang may muk-uff na yellow ang potcha!
6.) Pigsa - ay kaloka talaga ito.. hindi kailangan ng herbal medicine ang sakit na ito, isang boteng walang laman lang ang kailangan tapos itapat sa naghuhumiyaw na pigsa sabay palo sa bote.. plok!! talsik ang mata ng pigsa na nagkalat sa loob ng bote. hahahaha... konting pahid lang sa nana at dugo... keri na ulet...minsan nilalagyan pa ito ng pinainit na buko ng gumamela, hindi ko alam kung bakit siguro dahil para may design. bbwwwhahahaha.
7.) Pasmadong Kamay/Paa - ito ang hindi ko kinaya sa lahat ng gamot. LOL!! Ang maiinit-init na ihi ang sagot sa pasmadong kamay at paa... literal na iihian mo ang iyong paa o kamay para mawala daw ang pasma... jusme kaloka! ang palot eh! (mapanghi) hahahaha... ang weird pero sometimes working pero minsan hindi parang 50/50 chances ang peg. hahahaha...
8.) Sugat - maraming gamot sa amin kung ikaw ay nasugatan. Pwede ang dahon ng halamang sapinit; ngunguyain mo tapos saka mo itatapal sa sugat o di kaya yung murang dahon ng bayabas.. as in effective ito.. pero ang pinaka-effective ay yung sinabi ko last time ang pinakulong coconut oil sa lata ng sardinas with gazillion of chilli tapos habang mainit pa at kakukulo pa lang.. yun ang ipapahid mo sa sugat... as in PI!!!! (pwet ng inahin) sa sakit.. hahahahaha... alam mo yung mapapakapit ka na lang tapos halos mawalan ka ng ulirat sa sakit. hahahaha...Jusme kahit nga ako sugat gagaling na lang ako sa sakit ng pinakulong chilli. hahahaha..
9.) Sore Eyes - kaloka itong sakit na ito... ngayon ko lang naisip na grabe pala pag nag-spread ito kasi dati parang buong klase pula lahat ng mata tapos nagmumuta pa. hahahaha... bawal daw magtitigan kasi magkakahawa-hawa... hahaha.. parang kung ang isa may sore eyes sa klase hindi aalis hanggat ang buong classroom ay walang sore eyes. LOL! imagine mo kung ikaw ang teacher lahat ng estudyante mo ay pula ang mata... bbbwwhhaaa.. Zombie Apocalypse ang peg! Anyway, wala naman kaming ginagamot dito except noon naalala ko lang na nasa loob lang ako ng bahay lagi bawal lumabas at bawal pumasok sa school.. o syempre happy ako nyan kc walang pasok eh. hahahaha.. #tamadmagaral
Yun lang muna if may maisip pa kayong sakit pls comment below at sasabihin ko kung may mabisang gamot dyan. :)
#gamotsabukol
#herbal
#kwen2niernie
#herbal
#kwen2niernie
Mga Komento