Pasko na! Pasko na!

OMG! Pasko na nga! Kaloka parang noong isang araw lang ako nag-iisip na anong gagawin sa Pasko, pero jusme ngayon ilang kembot na lang at hello Christmas at nganga pa din ako. hahahaha... Ang bilis-bilis ng panahon, bukas-makalawa bagong taon naman... Juicecolored!!! Anyway, bago mag-bagong taon; ano nga ba ang naghihintay ngayong Pasko?

Ilang araw na akong nagiisip ng kung anong aking susulatin this Christmas pero parang walang pumapasok sa aking isipan. Kasi minsan feeling ko OA ang aking susulatin kaya in the end wala akong natatapos. So ngayon, regarless kung OA o hindi ang aking susulatin pipilitin ko pa ding sumulat. hahahaha.. :D walang pakialaman blog ko ito at nakikibasa ka lang. LOL!!! (biatch mode)

Minsan sa dami ng ating mga kaibigan, kakilala, kamag-anak, inaanak, at kapamilyang kailangang bigyan ng regalo hindi na natin alam kung paano natin hahatiin ang ating oras sa pagbili at pagbalot ng mga regalo. Bukod sa pagiisip ng regalo, nandyan pa din ang kaliwa't-kanan na Christmas parties. Ang busy ng social life. Hindi mo na minsan alam kung paano isisiksik sa schedules mo sa mga parties kasi kung hindi ka maka-punta sa isa mong kaibigan tapos makita kang nasa kabilang party for sure mag-tatampo yan. Kaya kahit hagardo ka na gora ka pa din. hehehehe.. ganyan tayong mga Pinoy mga kaladkarin. :)

Alam kong abala tayong lahat ngayong mga panahon na ito, pero minsan ba'y naisip mong tumigil muna sa iyong paglalakad at pagmasdan ang iyong paligid? Nakita mo ba ang tunay na liwag ng pasko o wala ka lang pakialam at hindi mo pinapansin? Sinubukan mo bang ibaba at itago ang iyong magarang telepono at tumingin sa mga taong naglalakad o bumati ka man lang ng Merry Christmas sa taong di mo kakilala? O kabilang ka sa mga taong walang pakialam at takot bumati sa mga taong hindi nila kilala? Malay mo ikaw lang pala ang hinihintay ng taong nakasalubong mo para muling manumbalik ang ngiti sa kanyan mga labi.

Kinausap mo ba yung nakatampuhan mon kaibigan? O sa susunod na taon na lang ulet? Naisip mo ba minsan na nagsasaya ka pero may isang pusong malungkot dahil hindi pa kayo nag-uusap? Malay mo ang isang simpleng Merry Christmas na may emotions na smiley ang tutunaw na sa matigas nyang puso. Hindi naman masamang subukan di ba? Wala naman mawawala except ang Pride. Hayaan mo na sa labada ang pride kaya dapat tanggalin mo na yan. Sayang naman ang taon ng inyong pagkakaibigan tapos sa simpleng away nawala na ang lahat.

May galit pa sa puso sa mga taong nakawaay mo sa FB? yung mga pro-duterte, o Pro-dilaw, o anti-marcos, o pro-marcos, o Leni, o delima? Nagalit ka sa mga kakilala mo at kaibigan mo na minsan naging bahagi ng buhay mo at misan ka din nilang ipinagtanggol sa kung saan man, pero yung mga taong ipinagtatanggol mo kilala ka ba nila? pag-nagkita ba kyo sa daan papansinin ka ba ng mga politiko? hindi naman di ba? bakit di mo na lang ibuhos ang iyong galit sa kanila (politiko)  at wag sa mga taong naging bahagi ng buhay mo? Oo maaring nakasakit sila sayo dahil sa mga comments nila pero opinyon yun nila yun, na tulad mo mayroon ka din opinyon. Maaring hindi kayo magkapareho ng opinyon pero alam ko; pareho ninyo gusto ng maayos na Pilipinas kung hindi man sa ating panahon umaasa tayo sa mga susunod na henerasyon.


Nag-sorry ka na ba sa tatay mo o nanay o ate o kuya o kay bunso na minsan mong nakaaway o nakasagutan dahil sa hindi pagkakaunawaan sa bahay? O nageenjoy ka sa mga Christmas parties ng barkada mo? Baka gusto mo munang tumigil sandali at tawagan sila at humingi ng sorry. Wala naman masamang mag-enjoy kasama ang barkada pero di ba mas masayang mag-enjoy kung kumpleto ang pamilya? Minsan ang simpleng sorry ang pinakamahirap gawin sa lahat pero ito ang may pinakamalaking impact sa lahat kapag iyong nagawa. Hindi mo alam, matagal na pala nilang hinihintay ang tawag mo. Ikaw na lang ang kulang. Wag ka munang mag-pokemon go, pindutin mo na ang kanilang numbers at sabihin mo: I'm sorry and I love you.

Marami pang bagay sa buhay natin ang minsan kailangan nating balikan at usisain kung nasaan na ba tayo ngayon. Ang Pasko ay araw ng pagsilang ni Hesus na simbolo ng pagkakaisa, pagbibigayan at pagmamahalan. Kung sa tingin mo ang buhay mo ngayong kapaskuhan ay kulang pagkakaisa sa inyong tahanan, walang nagbibigayan ng pagpapatawad sa mga taong nakasakit o nasaktan mo, at higit sa lahat: wala ang pagmamahal; walang silbi ang lahat ng mga regalong iyong binalot dahil ang tunay na diwa ng pasko kailan man ay hindi kayang balutin ng kahit anong mamahaling papel bagkus dapat ito ay nagliliwag sa iyong puso.

Maligayang pasko sa ating lahat.

#pasko
#kwen2niernie

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin