Tiwala at Pag-asa
Ika-tatlo ng Agosto, araw ng Sabado ng lisanin ko ang bansang Singapore na naging tahanan ko sa loob ng higit labing apat na taon. Hindi ko malilimutan ang araw na iyon, kasama ang mga malalapit na mga taong naging bahagi ng aking paglalakbay kahit sa huling sandali ay hindi nila ako iniwan. Lungkot at takot ang bumabalot sa akin ng mga oras na iyon. Lungkot dahil iiwan ko ang madaming taong naging malaking bahagi ng aking buhay at higit sa lahat ang aking pamilya. Hindi ko maiwasang pumatak ang mainit luha mula sa aking mga mata pababa sa aking pisngi. Pero kailangan kong magpakatatag. Ito ang laban na hindi kailangang sumuko. Takot ako noong mga panahon na iyon dahil makiki pagsapalaran ako sa bansang hindi pa nakakatuntong ang aking mga paa at hindi ko alam kung ano ang naghihitan. Pero mabait ang Diyos dahil may mga kaibigan akong naghihintay sa aking pagdating. Umaga ng ika-apat ng Agosto ako dumating sa New Zealand. Maulan at malamig ang klima. Ibang-iba sa Singapore n...