Lee Kuan Yew (1923-2015)
Noong ika 23-Marso sa ganap na 03:18 ng umaga (GMT), niyanig ng isang balita ang Singapore na nagbigay lungkot sa bawat taong naninirahan dito o maging dayuhan man na katulad ko. Ito ang araw na pumanaw ang nagbigay kahulugan sa salitang Kalayaan sa Singapore: ang pagpanaw ni Lee Kuan Yew (LKY). Sa mga hindi nakilala kay LKY, siya ang naging silbing AMA ng mga Singaporean noong panahon na humiwalay ang isla ng Singapore sa Malaysia. Siya ang nagbangon sa Singapore mula sa 3rd world country hanggang maging 1st world country. Kaya ganun na lang ang hinagpis ng bawat tao noong araw na siya ay lumisan. Malungkot si Uncle Eddie (ang aking taxi driver sa loob ng halos apat na taon) noong lunes nang sumakay ako sa kanyang taxi. Bakas sa kanyang boses ang lungkot habang ikinukwento niya ang buhay nila noong panahon na walang-wala ang Singapore kaya ganun na lang ang kanyang respekto kapag pinaguusapan namin si LKY. Hindi ko man tahasang kilala si LKY pero ang kanyang mga nagaw...