Burol 101
Naranasan nyo na bang umattend ng burol sa probinsya? Ay neng kung hindi mo pa na-try I'm telling you gu-gustuhin mo na lang sumama sa sa naka-burol sa dami ng mga bawal.
Noong nakaburol si tatay dito ko nalaman na ang aking kaalaman tungkol sa burol ay WALA!!! as in ZERO!!! BOKYA!! BETLOG!!! Kaya samahan ninyo akong balikan ang BUROL 101 experience ko sa probinsya. Ang mga pamahiin na talagang hindi ko maisip kung bakit! hahaha!
1.) Bawal mauntog ang patay na nasa kabaog.
- For example: Galing punerarya ang patay matapos embalsamo at bihisan, tapos ilalagay na sa bahay para sa burol...habang inaayos biglang maba-bump somewhere ang kabaog ng patay. it's a NO NO Policy. Ay jusme, hindi ko maisip kung bakit bawal. Bakit sensitive ang patay? Maselan at baka mabukulan? Me ganun? Kung kailan natigok saka naguumarte? paki explain!
2.) Bawal kumain ng pagkain na gumagapang.
- For example: kalabasa, sitaw and alike. Ay! namatayan na nga choosy pa sa pagkain? Kaloka! Kasalanan ba ng kalabasa na gumagapang siya? Siguro ang nakaisip ng pamahiin na ito takot "GAPANGIN" ng patay kaya ipinagbawal nyang kumain ng gumagapang na pagkain. hehehe...
3.) Bawal mawalan ng tao na nagbabantay sa burol.
- OMG! Kung kailan namatay saka maging possesive ang bangkay? ayaw maiiwan mag-isa? me ganung factor? bakit tatakas ang patay pag naiwan mag-isa habang walang nagbabantay? sakit sa bangs ha! Oh well, kung ako lang mag-isa ang magbabantay sa burol.. hayaan ko ng walang magbantay! keber na maiwan magisa ang bangkay at umalis siya sa kabaong.. wag lang akong maiwan magisang nagbabatay. hahahaha! #duwag
4.) Bawal magdikit-dikit or mega hug sa isa't-isa.
- Di ko ito kinaya, mega CRY-ola at emote to the maxx ang drama ko pagdating sa burol ni tatay habang ang very supportive wife ay nasa aking tabi. Ay neng tutulo na ang madrama kong luha habang naka-hug kay misis ng biglang may lumapit sa amin at sabihin "'wag kayong mag-dikit-dikit!" Muntik na akong tumambling neng... panira ng moment!!! handa na ako ng i-push ang nagbabagang luha kaso nawala sa momentum... LOL!! yun umupo na lang kmi sa sofa in the end. hahahaha!!! Di ko ma-gets bakit bawal magdikit-dikit. hahaha!!! Seloso ang patay?
5.) Bawal maligo.
- Seriously?!? Dahil may patay dapat amoy patay ka din? hindi ba pwedeng mag-amoy bebe (baby) kapag may patay? Kaloka ha!!! Lakas ma-trip ng nakaisip ng pamahiin na ito infairness! Buti na lang noong burol ni tatay pwede kaming maligo para amoy bebe pa din. LOL!
6.) Bawal ang patong-patong.
- For example: Ang plato bawal patong-patong. Kung may 100 kang plato at bawal patong-patong.. saan mo ilalagay ang plato? sa kalsada para wag lang magpatong-patong? Over na yan ha! Bakit di na lang kaya basagin ang lahat ng plato para di na problemahin kung pagpatong-patungin ang plato sa lamay. hahahaha... Buti na lang nauso na ngayon ang paper plates. LOL!
7.) Bawal mag-hatid ng bisita.
- May mga pinsan akong taga ibang lugar, bilang paggalang ihahatid ko sila sa sasakyan nila... Aba sabi sa akin wag na daw at masama daw yun. Ha? me ganun? Dahil anak ako ng patay may dala na akong malas at sumpa? hahaha!!! Hindi ko maisip dahil ba ihahatid ko sila ibig sabihin sasamahan ako ni tatay sa paghahatid sa kanila? hahahaha. Gusto kong sabihin, wag kayong matakot may nagbabantay naman kay tatay hindi naman yun makakaalis sa kabaong. LOL!
8.) Bawal magpasalamat.
- Bastos ang nakaisip ng pamahiin na ito. hahahaha!!! I'm telling you guys ito ata ang isa sa pinakamahirap na pamahiin na na-encounter ko. hahahaha... Imagine mo may mga bisita na nakikiramay sa pagkamatay ng iyong ama, ano ang sasabihin mo? Wala lang? deadma ka lang sa bangga? Nakataas pa ang kilay mo na parang wala kang nadinig. hahahaha! As in super hirap. Noong una lagi ko pang nasasabing "Salamat po!" pagkatapos mong sabihin masama pa ang tingin sa'yo ng sinabihan mo... hahahaha... In the end heto na ang sinasabi ko: "ALAM NA NINYO YUN!" hahahaha! **na-straight ang hair dito infairness.**
9.) sa 4days lahat ng ginamit sa lamay ay dapat ilayo sa bahay ng may patay.
- kaloka! anong meron sa ika-apat na araw at kailangan ilayo sa bahay ang lahat ng ginamit? Laro ng tago-taguan ang peg? Kailangang hindi makita ng patay ang ginamit sa kanyang lamay kapag ito ay dumalaw sa ika-apat na araw? Bakit choosy pa ang patay pag nakita nyang lumang gamit ang ginamit sa kanyang lamay? kaloka ha!!! feeling mayaman porke't namatay na? hindi na pwedeng gumamit ng luma kya dapat ilayo sa kanyang burol para di nya makita sa ika-apat na araw. LOL!
10.) Ipamigay sa kapitbahay ang ng pagkain sa bahay pagkatapos ng 9 days.
- Patay baboy noong 9days ni tatay at syempre ang daming handa sa bahay, feeling ko nga fiesta noong 9days ni tatay. Madaming tao, pero hindi naman kayang ubusin ang pagkain kaya binabalot na lang at ipinadadala na lang sa mga bisita pag-alis nila ng bahay. Pagdating ng gabi para sa hapuan naming magkakapatid at ni misis...Pagbukas ng kaldero at ref: WALA NA KAMING PAGKAIN. hahaha!!! kaloka! Wala ng pagkain sa bahay kundi kami humingi sa kapitbahay na ang ulam ay galing sa handa ni tatay. hahahahaha!!! Kung sino man ang nakaisip ng pamahiin na ito wala silang pagkain sa bahay noong 9days ng namatay nilang kapitbahay para may pagkain sila sa bahay. hahahaha!
11.) Palayok at Walis.
- noong bata pa ako lagi ko itong nakikita tuwing may patay pero ngayon lang ng mamatay ang tatay doon ko nakita na symbolic pala ito sa patay. LOL! Heto ang nakakatawa, pinabili ng matanda ang ate ko ng palayok at walis, hindi ko alam kung magpapalaro pa ata ng basagan ng palyok sa lamay ng tatay. LOL! Anyway, itong ate ko sa halip na walis tingting ang binili, walis tambo ang dala-dala paguwi ng bahay. LOL! Muntik ng himatayin ang matanda ng makita ang tambo. hahaha!
Noong araw ng libing ni tatay, mega CRY-ola moment ako habang nilalabas ang kabaong ng tatay sa bahay ng biglang ihagis ng pinsan ko ang palyok sa tabi ko at sabay walis ng daan. Jusme!!! basag trip itong tiyahin ko talaga! Muntik na akong mapasigaw hindi sa lungkot kundi sa takot! hahahaha... Makawala ng emote moment ang pagbasag ng palyok infairness. LOL!
Madami pang pamahiin na hindi ko maunawaan noong burol ng tatay. Kung sino man ang nakaisip ng mga pamahiin na yun... gusto kong magpasalamat dahil sa kanya nakagawa na naman ako ng kwentong kalokohan sa buhay. hahaha.. Yun lang!!! Kayo ang mga kwentong burol sa inyong lugar?
#burol
#pamahiin
#kwen2niernie
Mga Komento