Halimuyak sa loob ng bus

Noong bata pa kami wala pa masyadong sasakyan sa bukid kundi kalabaw, baka, kariton, gabay, karitela, at paragos (oh! nose bleed na agad? simula pa lang ng kwento? hahaha!) I'm telling you kung exotic at exotic lang ang paguusapan sobrang exotic ang buhay sa amin noon. Anyway, dati kung gusto namin makakita ng sasakyan tulad ng bus ginagawa naming magpipinsan aakyat sa mataas na puno tapos doon kami maghahanap ng daraaan na bus sa may Calamba. LOL!!! Pag ngayon ko ito iniisip natatawa ako sa sarili ko, para kaming mga tribu na hindi pa naabot ng sibilisasyon. hahaha! Nakakatuwa pa dati kasi unahan kaming makakita ng bus habang nakaupo sa sanga ng puno ng mangga. Oh Di ba mga unggoy lang ang peg? hahaha!

Kaya ng makatapos ako ng pagaaral ng High School at nag-moved ako sa Manila para ipagpatuloy ang aking koleyo.. ay neng!! sosyalan na! hahaha!! bonggahan galore.. hahaha! Hindi na basta-basta... ganung level!!! Pero heto ang hitsura ko dati:
- naka-polo akong pumapasok sa school (walang pang uniform sa Adamson dati).
- naka-slacks na pants tapos naka-tuck-in ang polo na medyo maluwag.
- naka leather na sapatos na tig-50 pesos sa palengke at paginabot ng baha.. NGANGA ang sapatos kundi idikit ng rugby! 
- salamin na sobrang laki.
- one sided na buhok na parang si Rizal. 
Kaloka ang hitsura ko dati kaya unang pasok ko sa room akala ng mga hayuff kong kaklase ako ang titse. BWISIT!!!!

Ng nasa Manila na ako, dito ko nakita na madami palang uri ng sasakyan sa mundo. LOL!! as in BARRIO-tic ang hitsura ko dati. LOL!

Anyway, every 2 weeks kami umuuwi ng Batangas ng kapatid ko kasi wala naman kaming enough na pamasahe sa bus kaya tipid tipid kami dati. Yung gagastusin sa pamasahe sa bus, babaunin na lang sa school at laging Ordinary kami sumasakay ng bus... jusme parang AIRCORN eh!! as in kasing laki ng CORN ang pawis mo sa loob ng bus lalo na pag-traffic. LOL!!! Kaya noong minsan nagkaroon kami ng enough na budget sa aircon ng kapatid ko, sosyal na sosyal. Haller di na ako pagpapawisan! At walang polusyon sa loob ng aircon na bus. At dahil sosyal kami ng kapatid ko dapat may snacks kami sa bus. Bago kami sumakay talagang mega bili kami ng chips keber wala ng tubig basta may chips lang. hehehe..

Nasa kahabaan pa lang kami ng EDSA tapos siksikan sa bus sabi ng kapatid ko buksan na daw namin ang aming chips. Oh di ba! Naka-aircon na kami,at may chips pa. Di tulad dati; airCORN tapos may nilagang mani. LOL! 

Bongga namin binuksan ang chips, sabay kain at nuod ng movie. shalan galore!

Hindi pa nagkakalhati ang chips ng bigla akong may naamoy na japopo! Kaloka ang amoy neng! Alam mo yung amoy na parang nag-overflow na japopo sa pantalon. hahaha.. As in super baho. hahaha. Mega react pa kami ng kapatid ko na super baho tapos tinitingnan din namin ang ibang katabi namin baka isa sa kanila ang nagbasak ng napaka-lagim na bomba. Yung iba nagtatakip din ng ilong. Sa isip-isip ko na lang nyetang aircon na bus ito. LOL!

Habang papalabas na kami ng EDSA nagkatinginan kami ng kapatid ko sabay singhot namin sa lalagyan ng chips. NYETA!!! gusto kong basagin ang bintana ng bus at itapon ang hayuff na HUMPY DUMPY!!! hahaha!!! Ang vahoooo 'teh! As in amoy tae!!! Kaloka! talagang wagas ang halimuyak sa loob ng bus! Tapos nagtawan pa kami ng kapatid ko... pareho kaming amoy tae ang bunganga!!! hahaha!!! Jusme ang Humpy Dumpy na chips na yellow at purple pa ang kinakain namin. hahahahaha... ang sakit sa bangs! Nakaka-binggot ang amoy!hahaha!

Yun lang BOW! End of sharing! *one clap*


#bus101
#humpydumpy
#kwen2niernie

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin